Home OPINION NAG-SUICIDE SA TULAY NI DIGONG

NAG-SUICIDE SA TULAY NI DIGONG

233
0

PINASYALAN natin ang tulay na binuksan kamakailan lang ni Pangulong Bongbong Marcos, ang Camalaniugan-Aparri, Cagayan Bridge.

Nakagugulat ang pangyayari dahil kinabukasan, matapos ang inagurasyon, may tumalon o nag-suicide mula sa tulay pababa sa Cagayan River ngunit nabuhay.

Dahil sa pakiusap ng pamilya, hindi natin idedetalye ang pangyayari at sapat nang sabihin nating sinusubaybayan at iniimbestigahan na ng mga pulis ang iba pang mga bagay na nakaugnay rito.

Meron lang nais na tanungin ng mga taga-barangay ukol sa inagurasyon.

Ayon sa kanila, tila hindi nila narinig na binanggit ng press officer o ni Pang. Bongbong ang ngalan ni noo’y gobernador ngunit ngayo’y Vice Governor Manuel Mamba na siyang nakaisip na magtayo ng nasabing tulay, kasama ang bagong tulay rin sa bayan ng Amulong, Cagayan.

Hindi man lang nabanggit din ang ngalan ni ex-Department of Public Works and Highways Secretary na ngayo’y Senador Mark Villar at lalong hindi binanggit ang ngalan ni ex-President Digong Duterte na pawang katulong ni Mamba na nagpasimula ng proyekto.

Ngalan lang ni ex-police general at ngayo’y Cagayan Governor Edgar Aglipay, katulong din sa pagsusulong ng pagtatayo ng tulay at biyenan ni Villar, ang isa sa mga nabanggit, kabilang ang sa mga mayor ng Camalaniugan at Aparri.

“Makapasugnod” (nakatatampo) umanong hindi man lang nabanggit kahit multo o guni-guni man lang mga ngalang Mamba (nakasama pa sa inagurasyon), Villar at Duterte sa okasyon.

Kung bakit wala ni ngalan o kaluluwa ang nabanggit sa mga ito, hindi walang nakaaalam.

Pero talaga umanong nakasasama ng loob para sa mga taga-lalawigan.

Sa susunod kayang halalan o sa 2028…kung matutuloy man…meron kayang epekto ang problemang ito sa mga kandidato ng administrasyon?

Sabi nila, meron daw.

Ang masasabi natin?

Laging huli ang pagsisisi!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here