Home NATIONWIDE Naiulat na election-related violence binabantayan ng PNP

Naiulat na election-related violence binabantayan ng PNP

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes na bineberipika nito ang limang insidente ng karahasan kung may kaugnayan ang mga ito sa May 2025 elections.

Sa update hanggang nitong Huwebes, sinabi ng PNP na kabilang sa mga insidenteng ito ang tig-dalawa sa Zamboanga Peninsula at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at isa sa Davao Region.

Mas marami ito kumpara sa dalawang insidente ng karahasan na naiulat noong Lunes.

Sa kasalukuyan, isa pa lamang ang kumpirmadong election-related na insidente ng karahasan, na naiulat sa Western Visayas.

Kinumpirma naman ang 15 insidente ng karahasan– naunang iniulat na hinihinalang election-related—na walang kinalaman sa May 2025 polls, batay sa PNP. RNT/SA