Home OPINION NAKALIGTAANG HUSTISYA

NAKALIGTAANG HUSTISYA

PARA sa isang maliit na drug offense, sinentensiyahang makulong ng tatlong taon ang isang lalaki, pero nanatili siyang nakapiit sa sumunod na apat pang taon — ang lahat ay dahil “nakalimutan” ng mga empleyado ng korte na ipadala ang mga kinakailangang dokumento niya.

Nangyari ito sa Pilipinas, pagbubunyag ni Professor Raymund Narag, isang prison reform advocate at propesor sa Southern Illinois University.

Natuklasan ni Narag ang nakakagulat na kapabayaang ito sa kalagitnaan ng isang training session, kahit pa isinusulong daw ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang reporma sa piitan. Ilang bilanggo pa ba ang dumaranas ng kaparehong kapalaran sa ngayon, nabubulok sa siksikang selda, nakalimutan na ng mismong sistema na dapat ay naninindigan para sa katarungan?

Ang katotohanang nangyari ito sa isang malaking siyudad, at hindi sa isang liblib na outpost, ay hindi dapat palampasin lang. Ang kabiguan ng sistema sa bagay na ito ay hindi isang simpleng kapabayaan — isa itong seryosong pagtatraydor sa hustisya. Dapat na managot ang sistemang pangkatarungan ng Pilipinas sa kahiya-hiyang kapabayaaang ito.

Ang buhay ng tao ay hindi parang dokumento lang na pupwedeng makaligtaan o ipagwalang-bahala na lang. Kung ganito ang pagtrato sa mga walang kakayahan, hindi masasabi na pasimpleng palpak lang ang ating sistemang pangkatarungan; kundi aktibo nitong isinusulong ang kawalang hustisya, sa palagay n’yo ba?

*        *       *

SHORTBURSTS. Para sa mga komento at reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X.