Home HOME BANNER STORY Nakatanggap ng dagdag-sahod, ‘di na kailangang bawiin – DOLE

Nakatanggap ng dagdag-sahod, ‘di na kailangang bawiin – DOLE

1
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi na kailangang isauli ng mga manggagawa ang dagdag-sahod kung naibigay na ito bago masuspinde ang pagpapatupad ng ₱85 wage hike sa Metro Manila.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, nananatili ang karapatan ng mga empleyadong nakatanggap na ng kanilang sahod na may kasamang wage increase.

“Workers have their vested rights. So, it should not be returned,” aniya.

“Especially today, which is payday. So, it should not be returned because at the time it was prepared and at the time it was received, the National Wages and Productivity Commission had not yet issued an order of suspension,” dagdag niya.

Noong Hulyo 30, naglabas ang Pasig City Regional Trial Court Branch 152 ng temporary restraining order (TRO) na pansamantalang huminto sa pagpapatupad ng NCR Wage Order No. 27, na nagtatakda ng ₱85 arawang minimum wage increase sa Metro Manila. Mananatiling epektibo ang TRO hanggang Agosto 13.

Ang TRO ay inilabas matapos ang petisyon ng Readycon Trading and Construction Corp. at R-II Builders Inc., na humiling na ihinto muna ang pagpapatupad ng wage hike habang dinidinig ang kanilang kaso.

Nakatakdang dinigin ang kaso sa Agosto 3.

Ayon sa dalawang kumpanya, hindi umano sapat na isinasaalang-alang ng wage order ang kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya, kabilang ang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East. Sinabi rin nilang nakararanas sila ng pagkalugi, pagtaas ng gastos sa operasyon, paghina ng demand, at mas mahigpit na kondisyon sa pagpapautang, at maaaring lalo pang tumaas ang kanilang gastusin dahil sa wage hike. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here