MANILA, Philippines- Hindi makaaapekto ang kamakailan lamang na namataang siyam na Chinese Navy vessels sa hilagang baybayin ng Luzon sa nagpapatuloy na Philippine-US maritime drills.
Ang People’s Liberation Army (PLA) Navy vessels ay unang namataan, araw ng Martes. Kabilang dito ang aircraft carrier Shandong (CV-17), anim na escort warships, at dalawang support vessels.
“Definitely, it will not have an effect doon sa execution ng mga event natin. We will focus on our objective which is to enhance our interoperability and cooperation with other nations,” ang sinabi ni Commander Johanns Cruzada, commanding officer ng BRP Ramon Alcaraz.
“‘Pag sinabi natin interoperability, dito natin na-enhance o napapractice kung paano tayo makipag-communicate, makipag-sama-sama mag-maneuver at makipag-conduct ng different maneuvers with other nations. Ito ay ating ginagawa taon-taon para ma-improve yung ating kakayahan particularly sa Philippine Navy sa pag-conduct ng different operations,” dagdag na pahayag nito.
Ang Multilateral Maritime Exercise (MME) ay isa sa mga pangunahing aktibidad na nakahanay para sa PH-US Balikatan Exercises.
Ang mga pangunahing aktibida para sa MME ay kinabibilangan ng ‘communications exercises, cross-deck landing qualifications, division tactics, photo exercises, replenishment at sea, maritime search and rescue, at gunnery drills.’
Kasama sa aktibidad ang hukbong-dagat ng USS Savannah ng Estados Unidos at USS Comstock at ang BRP Ramon Alcaraz at BRP Apolinario Mabini ng Pilipinas at Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF).
“Una, yung sa gunnery exercises natin, this aim to enhance the capability of our personnel, ng ating mga kasundaluhan natin kung paano humawak at kung paano gamitin yung ating mga baril dito sa ating barko,” ang sinabi ni Cruzada.
“Yung po namang replenishment at sea napaka-importante po nito dahil dito po pwede po tayong sinisimulate natin kung paano tayo makapaglagay ng fuel at sea at para ma-extend po natin yung endurance ng ating barko,” aniya pa rin.