Home NATIONWIDE Namfrel sa Comelec: Vote receipts sa 2025 poll dapat isapubliko

Namfrel sa Comelec: Vote receipts sa 2025 poll dapat isapubliko

MANILA, Philippines – Hinimok ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ang Commission on Elections (Comelec) na ilathala ang data specifications ng boter-verified paper audit trail (VVPAT) upang pahintulotan ang mga observers na i-audit ang boto kasama ang poll body kasunod ng halalan.

Sa media briefing, sinabi ni Namfrel chairperson Angel Averia na ang VVPAT, ang rekord ng boto ,na gagamitin para sa pagbibilang kapag naitransmit na ang election return.

Aniya, ang automated counting machine (ACM) camera ay i-scan ang QR code ng VVPAT at kukunin ang kaukulang balota.

“After the election return has been transmitted, payagan din ‘yung mga observers na i-scan ‘yung mga QR codes sa VVPAT for purposes of unofficial independent vote counting,” saad ni Averia.

Sinabi ni Averia na sakaling magkaiba ang resulta ng VVPAT sa resulta ng election returns, maaaring iharap ng Namfrel sa Comelec ang usapin. Ito ay matapos tanungin ni dating Senador Leila de Lima kung aling resulta ang mananaig sakaling magkaiba.

“Kung may difference between the two counts… meron naman tayong point na pwedeng i-raise sa Comelec para siguraduhin na tama ‘yung bilang,” sabi ni Averia.

Nanawagan din ang Comelec na tratuhin ang VVPAT bilang accountable forms at isaalang-alang ang mga ito bilang balotang napatunayan ng botante.

“Kada boto ngayon, nire-request namin na dalawa ‘yung source, so may balota ka, may VVPAT ka. Kung gawin nila accountable ‘yung VVPAT, kasama ‘yun sa security. May secondary source ka,” sabi ni Namfrel national council member Fernando Contreras Jr.

Bukod dito, hinimok din ang pagsama sa human-readable portion ng VVPAT sa QR code.

Sinabi ni Contreras na ang VVPAT ay may bahaging nababasa ng tao at nababasa ng makina.

Magsasama rin aniya ang Namfrel ng feature sa App nito na makakabasa ng mga QR code at makakagawa ng independiyenteng pagbilang ng mga boto sa bawat presinto.

Sinabi ni Averia na isasama ng Namfrel ang feature sa kanilang App na makakabasa sa QR code at magsagawa ng independent count ng boto per precinct.

Sa pamagitan nito, magkakaroon ng pinahusay na transparency ng bilang ng boto, isang mataas na antas ng vote count audit, at mataas na kumpiyansa ng publiko sa kredibilidad ng mga resulta.

Samantala, hinimok ni Averia ang komisyon na hayaan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na maghanda ng smart cards na gagamitin para sa elections.

“Isang issue na ina-address dito ay kung ang Comelec ay ang magpe-prepare ng smart cards, may mga pag duda na maaring sabihin na naman… na the Comelec has full control of the passwords stored in the smart card,” saad ni Averia. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleTiktok pinagmulta ng Italya ng $11M sa bigong proteksyon sa menor de edad
Next articleTuition, school supplies discount itinulak ni Yamsuan