MANILA, Philippines – Sinabi ng PAGASA na may “mababang” posibilidad na maging tropical depression ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na 24 oras.
Nasa paligid ng Dumaran, Palawan ang LPA noong ika-3 ng hapon, na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Magkakaroon ng maulap na kalangitan na may scattered rains at thunderstorms sa Palawan, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro. Katulad na kondisyon ang aasahan sa Cagayan, Isabela, Aurora, at Batanes dahil sa shear line at Northeast Monsoon.
Magkakaroon din ng partly cloudy hanggang cloudy na kalangitan na may isolated rains sa Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, at BARMM dahil sa ITCZ.
Mananatili ang parehong kondisyon sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa dahil sa easterlies.
Nagbabala ang PAGASA sa posibleng flash floods at landslides.
Ang extreme Northern Luzon ay makakaranas ng moderate hanggang malalakas na hangin at rough coastal waters, habang ang ibang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng light hanggang moderate na hangin at slight hanggang moderate na kondisyon ng dagat. Santi Celario