MANILA, Philippines – Isa na namang namumuong bagyo o Low Pressure Area (LPA) ang namataan sa layong 745 kilometro silangan Timog-silangang bahagi ng Itbayat, Batanes Biyernes ng madaling araw habang ang epekto ng habagat ay mararamdaman sa Luzon at Visayas, iniulat ng PAGASA.
Magkakaroon ng monsoon rain ang Zambales at Bataan dahil sa southwest monsoon na may posibilidad na magkaroon ng flashflood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Ang Ilocos Region ay magkakaroon ng paminsan-minsang pag-ulan dahil sa habagat na may posibilidad na magkaroon ng flashflood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may posibilidad na magkaroon ng flashflood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng habagat na may posibilidad na magkaroon ng flashflood o landslide sa panahon ng matinding pagkidlat. RNT