MARAMING enforcers na tapat na pinatutupad ang batas ay nag-aalangan kapag ang kanilang nahuhuli ay nagne-name drop ng mataas na opisyal para takasan ang batas.
Sa traffic enforcement lang ay napakarami na ang nag-viral na ang hinuhili ay nagpapakilalang kamag-anak ng heneral, mayor, senador at kung sino-sino pang bigatin sa pamahalaan.
Minsan na nasangkot si Sen. Bong Revilla sa name dropping at ang resulta ay katakot-takot na pamba-bash sa kanya sa social media gayung wala naman siyang kinalaman sa issue na kinasangkutan ng driver na nag-name drop sa kanya.
Ganoon din sa mga ibang Ahensya ng pamahalaan na nagna-name drop para makakuha ng pabor na hindi dapat.
Ang “name dopping” ay isang offshoot sa palakasan system na matagal nang umiiral sa pamahalaan. Kaya naman ang mga pobreng kawani ng pamahalaan na takot ay pagbibigyan sila.
Panukala ng Lawyers for Commuters Safety and Protection LCSP ay gawing criminal offense ito.
Kapag nag-name dop para matakasan ang batas o paghingi ng pabor, totoo man o hindi, kakilala o kamag-anak ng taong ipinagmamalaki, ay pwede siya makasuhan sa panukalang ANTI- NAME DROPPING ACT .
Kung maisasabatas ito ay mababawasan ang palakasan system at lalakas ang loob ng mga nagpapatupad ng batas dahil may masasandalan silang batas na magpapataw ng parusa sa name droppers.
Ang panukala ng LCSP ay ganito:
An Act penalizing the practice of NAME DROPPING for the purpose of evading an apprehension, seeking undue advantage in government whether the person name dropping is actually related or connected to the official being name dropped.
Kaya kapag ang isang tao ay hinuli dahil sa paglabag sa traffic at mag-name drop para takasan ang huli ay hindi lang siya pananagutin sa violation ng apprehension, pwede rin siya kasuhan under the Anti Name Dropping Act.
Ano po tinggin ninyo?
================================
Atty. Ariel Inton
President
Lawyers for Commuters Safety and Protection
09178174748