Home METRO Nangunguha ng bata, kinuyog ng taong-bayan sa Caloocan

Nangunguha ng bata, kinuyog ng taong-bayan sa Caloocan

MANILA, Philippines – Gulpi ang inabot ng isang hindi pa nakikilalang lalaki ng kuyugin ng mga galit na taong-bayan matapos tangkain nitong tangayin ang isang elementary student sa Caloocan City.

Kasalukuyan ngayong isinasailalim sa imbestigasyon ng mga awtoridad ang nabugbog na suspek na nagawang madala sa himpilan ng barangay at nakatakdang iturn-over sa pulisya.

Napag-alaman na pasado alas-dose ng tangahali habang kasagsagan ng labasan ng mga estudyante ng Maypajo Elementary School ay nakitang hila-hila nito sa braso ang isang estudyante.

Nang sitahin ng mga barangay tanod sinabi nito na anak niya ang nasabing bata.

Agad namang umiyak at nagsisigaw ang hindi pinangalanang batang lalaki at sinabing hindi nya kilala ang lalaking gustong tumangay sa kanya.

Dahil sa sinabi ng bata ay agad itong dinumog ng mga kalakihang naroroon na pawang susundo sa kani kanilang mga anak.

Nabatid may kasama pa umanong isang lalaki ang suspek ma mabilis na nakatakas. Rene Manahan