Home METRO Nanita ng maingay: Kelot tigok sa bugbog

Nanita ng maingay: Kelot tigok sa bugbog

91
0

MANILA, Philippines – Patay na nang matagpuan ang isang 29-anyos na lalaki sa Leganes, Iloilo matapos umano siyang gulpihin ng tatlong suspek na pinagsabihan niyang huwag maingay dahil matutulog na siya.

Base sa CCTV camera ang komosyon sa entrada ng plaza sa Leganes dakong alas-3 ng hapon noong Abril 8. Pagsapit ng alas-5:30 ng hapon, natagpuan na ang bangkay ng biktima sa lugar.

Ayon sa pulisya, limang araw nang nagpapalaboy-laboy ang biktima sa lugar matapos umalis sa kaniyang amo sa Jaro, Iloilo.

Sa tulong ng isang saksi, naaresto ang isang 19-anyos na suspek, habang tinutugis pa ang dalawa nitong kasama na kapwa menor de edad.

“Pinagsabihan raw sila ng biktima na huwag maingay kasi matutulog na ang biktima sa itaas. Umoo naman ang ating arrested na suspek. Tapos sinabi niya raw sa witness natin at mga suspek na kasama niya na, ano, pag-tripan natin,” ayon kay Police Cpl. Joefel Amihan, imbestigador ng Leganes Municipal Police Station.

Ayon kay Amihan, sasampahan ng reklamong murder ang mga suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here