Home OPINION NAPOLCOM, NASA TAMANG DIREKSYON?

NAPOLCOM, NASA TAMANG DIREKSYON?

66
0

ANG National Police Commission ay tila labis na nagdududa sa umano’y wala sa ayos na pamamalakad ni Atty Ralph Calinisan na nakitaan ng ilang sablay sa kanyang mga ginawa.

Sa pasimula ng kanyang termino bilang Vice Chair at Executive Officer ng Napolcom, noong April 2025, malaki ang tiwala kay Calinisan—unang ipinagkatiwala ni Pangulong Bongbong Marcos na italaga sa kanya sa katungkulan at pangalawang organisasyon na kanyang kinakatawan.

Oo, maaaring determinado nga siya, masipag at may angking talino. Ngunit sa mata ng marami, may pagka-emosyonal na klaseng abogado na may pagkapikon at kinakikitaan din siya ng diumano’y double standard kung saan siya ay “heavily invested”.

Case in point: iyong kanyang naging alitan sa isang Vlogger kamakailan na halos kaladkarin niya ang buong Philippine National Police at Napolcom dahil lang sa isang personal na hidwaan.

Nitong Huwebes, May 21, sa isang media briefing ibinandera ni Calinisan ang kapamilya ng ilang biktima sa missing sabungero case.

Diumano may isyu ng suhulan. Dalawang mataas na opisyal ng PNP ang dawit dito ngunit sa kabuuan ng presscon, ang atensyon ay wala sa mga pulis na dawit sa kaso ng diumano’y insidente ng panunuhol.

Ipinahiram ni Calinisan ang “platform” ng Napolcom at gamit ang integridad ng kanyang tanggapan hinayaan niyang paulanan ng mga kaanak ng biktima ng mga paratang ang isang abogada—isang pribadong indibidwal na hindi saklaw ng awtoridad ng kanyang opisina.

Mas mukhang memoryado pa nga ng kaanak ng biktima ang pangalan ng abogada dahil mahigit sa isang dosenang beses nila itong binanggit sa presscon kaysa sa dalawang akusadong PNP officers.

Bilang abogado, dapat alam ni Calinisan na ang karapatan ay hindi lang eksklusibo sa mga nag-aakusa na dapat ganoon din ang mga karapatan ng inaakusahan.

Dapat sa lahat ng panahon hindi lang ang lider ang bida. Isang tabi muna ang mga interes na pansarili—para sa ahensya at kapakanan ng higit na nakararami.

Marami pang insidenteng nauna ang “pagpapapogi” ni Calinisan sa media kahit wala pang nagaganap na imbestigasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here