MANILA, Philippines – Sinabi ni House Deputy Minority Leader Leila de Lima na ang ibinalik na P110 milyon ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineer Henry Alcantara ay maliit na bahagi lang ng trilyong pisong nawala dahil sa mga anomalya sa flood control projects.
Dahil dito ay hinimok niya ang iba pang personalidad na idinidiin sa korapsyon na gayahin din ang hakbang na ito, kasabay ng pagsasabing ang House Liberal Party (LP) bloc ay naghain ng House Resolution No. 524 na nananawagan ng pagdinig sa “the status of recovering ill-gotten or unexplained wealth from those linked to what lawmakers describe as the country’s biggest corruption scandal.”
Layon ng imbestigasyon na alamin ang implementation gaps, siguruhin ang accountability, at magrekomenda ng hakbang para sa mga mekanismo ng pamahalaan laban sa korapsyon.
“This is still a small amount compared to the trillions of pesos that went into kickbacks and the pockets of those who colluded in anomalous projects. We urge other individuals involved in the flood control projects controversy to follow suit,” ayon pa sa mambabatas.
Hinimok din niya ang pamahalaan na pabilisin ang hakbang sa pagsasampa ng reklamo at pagrekober sa mga ninakaw na pondo ng bayan. RNT/JGC