Home NATIONWIDE Nasabat na droga sa ilalim ng Marcos admin P57.09B na

Nasabat na droga sa ilalim ng Marcos admin P57.09B na

MANILA, Philippines- Pumalo na ang nasabat na droga ssa anti-drug campaign ng Marcos administration sa P57.09 bilyon, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Biyernes.

Kabilang sa nasabing halaga ang 7,379.12 kg. ng shabu, 89.19 kg. ng cocaine, 127,394 piraso ng ecstasy tablets; at 7,123.83 kg. ng marijuana na nasamsam mula July 2022 hanggang Pebrero ng kasalukuyang taon, base sa PDEA report.

Nagsagawa rin ang PDEA ng 100,731 operasyon sa buong bansa sa nasabing panahon na nagresulta sa pagkakadakip sa 136,051 drug suspects, 8,709 sa mga ito ay high-value targets.

May kabuuang,354 drug dens at tatlong clandestine shabu laboratories ang nabuwag sa nasabing panahon.

Samantala, 390 mula sa 42,000 barangay ang idineklarang “drug-cleared” habang 6,113 ang nasa proseso ng paglilinis.

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo ng nakaraang taon, nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpapatuloy ang “bloodless” anti-narcotics drive ng kanyang administrasyon. RNT/SA