MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine National Police nitong Linggo na nasamsam sa anti-narcotics crackdown nito ang mahigit P20 bilyong halaga ng ilegal na droga ngayong taon.
Sinabi ni Police General Francisco Marbil, PNP chief, na nasabat sa anti-drugs campaign ng Marcos government ang kabuuang P20.7 bilong halaga ng ilegal na droga mula January 1 hanggang December 15, 2024.
Tumaas ito ng 101 porsyento kumpara noong 2023, base pa sa opisyal.
Ani Marbil, 46,821 anti-drug operations ang isinagawa ng mga police unit sa buong bansa, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 57,129 indibidwal.
Binanggit niya ang pagtutok ng administrasyon sa high-value individuals “while ensuring the protection of human rights and due process resulted in the confiscation of over 8 metric tons of illegal drugs, nearly 2 metric tons more compared to 2023.”
Kabilang sa mga nakumpiskang ilegal na droga ang shabu, marijuana, ecstasy, cocaine, ketamine, at kush, batay sa police chief.
“Our commitment to a calibrated anti-drug campaign, which puts a premium on human rights, has proven that we can dismantle drug syndicates without unnecessary loss of life,” ani Marbil.
Tinukoy ng PNP at ng Pangulo ang kanilang anti-illegal drugs approach na “bloodless.”
Iniahyag ng police official na ang tagumpay nito “reflects its renewed commitment to eradicating illegal drugs while adhering to legal and ethical standards, proving that decisive action can go hand-in-hand with respect for human rights.” RNT/SA