TOKYO, Japan – Isang multi-vehicle collision sa Japan ang ikinasawi ng isang tao at ikinasugat ng tatlo pa matapos matapon ang mga dahon ng tsaa mula sa isang trak, ayon sa lokal na media.
Nagkalat ang mga dahon ng tsaa sa humigit-kumulang 500 metrong bahagi ng kalsada sa Tochigi prefecture, dahilan upang dumulas at mabangga ang mahigit 10 sasakyan noong Linggo, ayon sa ulat ng Mainichi Shimbun at lokal na pulisya.
Apat na katao na may edad 50 hanggang 70 ang dinala sa ospital, at kalaunan ay kinumpirmang patay ang isang 78-anyos na lalaki.
Ang nasawing lalaki ay nagmamaneho ng isang maliit na commercial vehicle na pinaniniwalaang dumulas at umakyat sa median strip.
Pagkababa niya ng sasakyan, siya ay umano’y nabangga ng isang trak.
Napag-alaman na walang bubong ang trak na may kargang dahon ng tsaa. Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.
Tumanggi namang magkomento ang lokal na pulis nang kontakin ng AFP. RNT/MND