Home NATIONWIDE Panawagan ni Chavit Singson, ikinokonsiderang inciting to sedition – Malakanyang

Panawagan ni Chavit Singson, ikinokonsiderang inciting to sedition – Malakanyang

215
0

MANILA, Philippines – Ikinokonsidera ng Malakanyang na inciting to sedition ang panagawan ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na magsagawa ng mga protesta para tanggalin sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ipapaubaya niya sa Department of Justice ang pasya kung magsasagawa ito ng motu proprio investigation sa nasabing usapin.

Ani Castro, sa kanyang opinyon bilang isang abogado, ang panawagan ni Singson na patalsikin si Marcos ay maituturing na inciting to sedition.

Dinedma naman ni Castro ang hamon ni Singson na debate kay Pangulong Marcos at kay dating Speaker Martin Romualdez kaugnay sa mga umano’y maanomalyang flood control projects.

Masyado aniyang abala ang Pangulo sa kanyang mga trabaho at wala siyang panahon para sa debate.

Iginiit niya na dapat na ginawa niya ang hamon na debate noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na inamin ang korapsyon noong panahon ng kanyang administrasyon.

Sa ulat, sa isinagawang press conference ng kampo ni Chavit nitong Lunes, Enero 5, nagbigay siya ng mensahe sa tinawag niyang “former friend” na si PBBM at kay Romualdez.

“I have another message to my former friend Bongbong Marcos,” pagsisimula niya.

Dagdag pa niya, “Honorable Bongbong Marcos ang Speaker Martin Romualdez, with your permission, I’m going to Malacañang alone to challenge you into a debate about this press [conference] with all the media as a witness.”

Pagpapatuloy ni Chavit sa nasabing press conference, pupunta raw siya sa lalo’t madaling panahon para pag-usapan ang dahilan kung bakit nandoon pa rin umano sina PBBM at Romualdez sa Palasyo.

“ASAP. Sinasabi ko na ngayon. Kung bukas ang sinabi nila, pupunta ako sa Malacañang if they accept my challenge,” saad niya.

“Kung anong rason nila na bakit nandyan pa sila [sa Malacañang], ‘yon, mag-dedebate pa kami doon,” diin pa niya.

Samantala, nauna na ng ipahayag ni Chavit ang panawagan niya sa iba’t ibang religious group para sa pinaplano niyang ikasang malawakang kilos-protesta.

“We will schedule a “one time big time” rally. And nakikiusap ako sa lahat ng religious organization, lahat ng nagmamahal sa ating bansa, lahat ng ayaw sa katiwalian, in graft and corruption,” ‘ika niya.

“Lahat inaanyayahan ko kayo pero magtatanong ako kung kailan ‘yon but it should be ASAP and we will march to Malacañang,” pagtatapos pa niya.

Wala pa namang inilalabas na pahayag ang Pangulo at si Romualdez kaugnay rito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here