Home METRO Navotas LGU namahagi ng cash subsidy para sa solo parents

Navotas LGU namahagi ng cash subsidy para sa solo parents

MANILA, Philippines- Sinimulan na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa Navoteño solo parents sa ilalim ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act.

Umabot sa 381 benepisyaryo ang nakatanggap noong Enero hanggang Marso na halagang P3,000 depende sa buwan ng aplikasyon ng kanilang 2024 solo parent identification card.

Nilagdaan ang pamamahagi ng subsidy sa ilalim ng City Ordinance No. 2023-40, na tustos ng Gender and Development Fund.

Base sa nasabing ordinansa, ang mga rehistradong solo parents na kumikita ng minimum wages at mababa dito ay kwalipikadong makatanggap ng buwanang P1,000 monthly cash subsidy mula sa lokal na pamahalaan.

“We encourage Navoteño solo parents to register with our city social welfare office to qualify for the program. This year, we have allotted enough funds to provide monthly subsidy to 500 beneficiaries,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

“Raising children is never easy and doing it all by yourselves double the challenges and difficulties. We hope this amount can help ease at least a little of your burdens and bring smiles to you and your kids,” dagdag pa ng alkalde.

Para maging kwalipikado sa programa, ang Navoteño solo parents ay nararapat na may solo parent ID na beripikado ng City Social Welfare and Development Office at hindi kumikita ng mahigit sa minimum wage; at hindi nakatala bilang benepisyaryo ng kahit anong cash assistance program mula sa pamahalaang nasyunal o non-government organizations, kabilang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Sa City Ordinance No. 2019-17, naglalaan sa indigent solo parents ng P1,000 educational assistance kada taon.

Sa Expanded Solo Parents Welfare Act nagbibigay ng karagdagang benepisyo sa rehistradong solo parents kabilang ang P1,000 monthly subsidy, 10% discount at VAT exemption, 7-day parental leave with pay, priority sa scholarship programs at grants, automatic Philhealth coverage, at iba pa. R.A Marquez