Home HOME BANNER STORY Nawawalang pulis natagpuan sa septic tank sa Bulacan

Nawawalang pulis natagpuan sa septic tank sa Bulacan

272
0

MANILA, Philippines – Natagpuang wala nang buhay sa isang septic tank ang pulis na isang linggo nang nawawala, sa isang residential compound sa subdivision sa Malolos City.

Kinilala ang pulis na si Police Staff Sergeant Renato Casauay Jr., 46, residente ng Barangay Sta. Barbara sa Baliuag City, na narekober 1:30 ng madaling araw nitong Sabado, Enero 31 mula sa isang septic tank sa bakuran ng isang bahay sa Green Street sa Felicissima Village, Barangay Mojon, ayon sa report na ipinasa ni Malolos City police chief Col. Rommel Geneblazo sa Bulacan Provincial Police Information Office.

Narekober din ng joint teams mula sa Malolos City Police, sa pakikipagtulungan sa iba pang provincial at regional police units at tauhan mula sa Baliuag City Police, ang helmet at Givi box ng biktima.

Si Casauay, na nakatalaga sa Police Regional Office 3 Drug Enforcement and Special Operations Unit, ay umalis ng bahay sakay ng motorsiklo noong Enero 24 patungo sa Malolos City.

Siya ay iniulat na nawawala noong Enero 25 matapos bigong makauwi ng bahay.

Sa imbestigasyon ay nakita na si Casauay ay nagtungo sa bahay ng kanyang kaibigan sa Felicissima Village.

Nakipagkita rin siya sa iba pang kakilala kabilang si Julian Salamat at siyam iba pang indibidwal.

Ayon sa pulisya, iniulat ng saksi na si Salamat ay nagtungo sa bahay nito noong Biyernes at umamin na pumatay sa naturang pulis.

Dito na ipinaalam ng witness sa mga awtoridad ang nangyaring pag-amin.

Batay sa salaysay, binaril umano ni Salamat si Casauay matapos na hindi matuwa sa biro ng biktima na ipinahiya umano ito sa grupo.

“The suspect disposed of the victim’s body by throwing it into a septic tank at the said location, which resulted in the victim’s disappearance,” sinabi sa police report.

“The incident came to light after the victim failed to return home on January 25, 2026, and was subsequently reported missing by his wife,” dagdag pa.

Dalawang suspek na ang naaresto ng pulisya habang si Salamat at isa pang suspek ay pinaghahanap pa.

Nahaharap sa reklamong murder ang lahat ng suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here