CEBU, Philippines – Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na posibleng pinahirapan ang isang inmate na namatay sa loob ng Cebu City Jail Male Dormitory noong nakaraang linggo.
Ang 37-anyos na Person Deprived of Liberty (PDL) ay dinala sa ospital noong Abril 26 ngunit idineklarang dead on arrival. Una, sinabi ng doktor na maaaring “sudden cardiac death” ang sanhi, ngunit nag-imbestiga ang Commission on Human Rights (CHR) matapos ang ulat na siya ay na-mauled.
Humiling ang CHR ng autopsy sa NBI-7, kung saan natuklasan ng medico-legal officer na si Dr. Rene Cam ang mga blunt traumatic injuries sa lower limbs ng biktima, na indikasyon umano ng torture.
“This is like hazing where you are paddled,” ani Cam.
Ayon pa sa kanya, maaaring ilang araw na ginawa ang pananakit sa loob ng isang buwan at may malalakas na palatandaan ng pinsala, kabilang ang pamamaga at mga sugat na posibleng defensive wounds.
“The pain was more than a person could bear… These injuries did not occur earlier—meaning this could have happened almost every day,” dagdag niya.
Ang PDL ay nakakulong mula Marso 25 dahil sa kasong statutory rape.
Sinabi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nagsasagawa na sila ng sariling imbestigasyon at tiniyak ang transparency at accountability. “Should any individual be found responsible… they will be held liable under the law,” ayon sa BJMP.
Iniimbestigahan din ng BJMP National Office at nakatakda ring magsagawa ng sariling probe ang Cebu City Council. RNT/MND