Home OPINION NEGOSYANTENG TSINOY MAY ITINATAGONG KONTRABANDO?

NEGOSYANTENG TSINOY MAY ITINATAGONG KONTRABANDO?

PASADAHAN muna natin ang isang mangangalakal na Intsik na tila kaduda-duda ang mga ibinebenta mula sa kanyang dambuhalang bodega sa Pandi,Bulacan na natisod ng inyong lingkod nang humingi sa atin ng saklolo ang dalawang magkapatid at bayaw nila na nagtatrabaho sa bakery nito na isa lang sa maraming negosyo ng pinaniniwalaang maimpluwensyang dayuhan.

Minsan nang humingi sa atin ng tulong noong nakaraang buwan ang magulang ng naturang mga trabahador na hanapin ang kanilang mga anak sa Bulacan bunsod sa napaaway sa kapwa  manggagawa ang isa sa mga ito na ikinababahala naman lalo na ng nanay nila.

Agaran naman na tinawagan natin ang isang kapwa Bikolano na opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group upang upang hanapin ang mga kababayang pinauuwi na lang ng mga magulang sa halip na ipagpatuloy pa ang kanilang pagmamasa ng tinapay sa panaderya ng Tsinoy dahil sa takot na may mangyari sa kanilang masama.

Natunton naman ng ilang operatiba ng CIDG-Bulacan na tinawagan ng sanggang-dikit natin na opisyal ang pinagtatrabuhan ng mga kababayan natin matapos ikinasa ang paghahanap sa mga ito.

HB Company ang lumutang na pangalan ng negosyanteng Tsinoy na tumambad sa mga otoridad at napapalibutan ng matayog na pader ang napakalaking warehouse kung saan batay sa sumbong na ipinarating sa atin ay iba’t-ibang kalakal umano ang ipinapasok dito lalo na sa gabi.

Ang masaklap ay napag-alaman natin na agarang inimbestigahan daw ang tropa ng CIDG nang bumisita ito sa naturang kompanya upang hanapin nga ang tatlong kababayan.

Hindi kaya puslit na mga paninda ang negosyo ng kumag na Intsik at tila protektado ng ilang hayok sa kwartang padrino ang nabanggit na Intsik na sa halip na tulungan ang CIDG sa paghahanap ay pinaimbestigan pa tuloy ang tropang ginagampanan lang naman ang trabahong sumaklolo sa mga trabahador?

Pakisilip nga po nito Bulacan Provincial Director P/Col.Relly Arnedo at baka kabilang ang negosyanteng ito sa mga pinaghahanap ng awtoridad na sabit sa malawakang iligal na importasyon mula sa China at iba pang puslit na kontrabando.

Tingnan mo na rin po Kernel ang nasa palibot mo na ilang opisyal na ipinayayabang umano ng Tsekwa na padrino niya raw kaya malaya siyang nakapagbebenta ng iligal na kalakal.

Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected]