Home METRO NEO PLUS program ng DILG, isinasagawa sa LGUs

NEO PLUS program ng DILG, isinasagawa sa LGUs

280
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) nagsimula noong Hulyo ang Newly Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service (NEO PLUS) program ng departamento, matapos magsimula ang mga bagong lokal na executive ng kanilang termino noong Hunyo 30.

Hindi bababa sa 1,045 local government units (LGUs) ang nakakumpleto ng kanilang briefing para sa mga bagong halal na lokal na opisyal, saad ng DILG.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ng DILG na kasama sa mga briefing ang Governance Assessment Report upang makatulong na matukoy ang mga gap sa pagganap at mga prayoridad na lugar.

Dagdag pa, sinabi ng departamento na nag-set up ito ng mga local governance transition teams para tumulong sa pag-orient sa mga bagong halal na opisyal at pag-turn over ng mga ari-arian ng gobyerno.

“The briefing equips officials with the knowledge, tools, and strategic pathways necessary to lead with integrity, transparency, and purpose,” paliwanag ng DILG.

“Sessions include evidence-based insights, local governance diagnostics, and context-specific recommendations tailored to each local government unit,” dagdag pa nito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here