Home NATIONWIDE Net satisfaction rating ng Marcos admin tumaas sa Q2 2024 – SWS

Net satisfaction rating ng Marcos admin tumaas sa Q2 2024 – SWS

MANILA, Philippines- Mahigit sa kalahati ng mga Pilipino ang “satisfied” sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa katunayan, binigyan ng mga ito ang Pangulo ng “good” +40 net satisfaction rating nito lamang Hunyo, sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey.

Ang pinakabagong rating ay isang “improvement” mula sa “moderate” +29 na nakuha nito noong nakaraang Marso subalit sinasabing pagbaba mula sa “excellent” +52 noong Disyembre 2023.

Ang survey, isinagawa mula June 23 hanggang July 1, ipinapakita na 62% ng mga Pilipino ay “satisfied,” 15% ang “neither satisfied nor dissatisfied” at 22% ang “dissatisfied” sa performance ng national government.

Base sa Governance Report Card ng SWS, ni-rate ang national government sa 15 specific performance subjects, ang administrasyong Marcos ay “very good” sa tatlong three subjects; “good” naman sa limang subjects; “moderate” sa tatlong subjects; “neutral” sa dalawang subjects, at “poor” sa dalawang subjects:

“Very good” – sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad (+64), pinahusay ang kalidad ng edukasyon ng mga bata (+62), at pagtulong sa mga mahihirap (+51).

“Good” naman ang nakuha nito sa pagpapatuapd ng housing programs para sa mga mahihirap (+47), pag-develop sa science and technology (+46), paglikha ng mga polisiya na nakalilikha ng job opportunities (+45), pagtiyak sa episyenteng public transportation system (+38), at pagtiyak sa food security (+35).

“Moderate” sa pagtugon sa mga problema na sanhi ng climate change (+29), pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (+22), at pagtiyak na walang pamilya ang magugtom at walang makakain (+18).

“Neutral” sa paglaban sa krimen na karaniwang biktima ay mga ordinaryong mamamayan gaya ng pagpatay, holdups, pagnanakaw, physical violence, at iba pa (-2) at pagtiyak na ang mga kompanya ng langis ay hindi magsasamantala sa presyo ng langis (-3).

“Poor” sa pag-alis sa graft and corruption sa gobyerno (-10) at paglaban sa inflation (-16).

Idagdag pa rito, sinabi ng SWS na ang net satisfaction rating ng administrasyong Marcos ay bumuti sa lahat ng lugar, may pinakamataas sa Metro Manila (+52), sinundan ng Balance Luzon (+48), Visayas (+32), at Mindanao (+25).

Samantala, ang non-commissioned survey  ay gumamit ng face-to-face interviews sa 1,500 adults sa buong bansa: 600 sa Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro Manila), at tig-300 sa Metro Manila, sa Visayas, at Mindanao.

Gumamit ang survey ng sampling error margins na ±2.5% para sa national percentages, ±4.0% para sa Balance Luzon, at ±5.7% sa Metro Manila, sa Visayas, at sa Mindanao. Kris Jose