Home NATIONWIDE Netherlands, ibang bansa itinutulak ng Duterte camp sa ICC release

Netherlands, ibang bansa itinutulak ng Duterte camp sa ICC release

397
0

MANILA, Philippines – Tinutulak ng kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pansamantalang paglaya nito sa Netherlands, ang host country ng International Criminal Court (ICC), kung saan siya nakadetine mula Marso dahil sa kasong crimes against humanity of murder.

Sa limang pahinang mosyon na isinumite noong Setyembre 10, hiniling ng pangunahing abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman sa ICC Pre-Trial Chamber I na ikonsulta sa Netherlands “ang posibilidad na pansamantalang i-accommodate si G. Duterte…para sa bahagi o posibleng buong panahon ng kanyang interim release.”

Giit niya, hindi hihingi ng asylum si Duterte at sasagutin ng depensa ang lahat ng gastos.

Noong Hunyo 12, naghain na rin ng kaparehong kahilingan ang depensa, at sinabing may isang hindi pinangalanang bansa na pumayag na sundin ang anumang kondisyon ng Korte. Tinutulan ito ng prosekusyon at iginiit na manatili si Duterte sa kulungan.

Muling binanggit ng depensa ang umano’y “lumalalang kondisyon sa pag-iisip” ng dating pangulo at humiling pa ng indefinite adjournment, ngunit tinutulan din ito.

Naantala rin ang kumpirmasyon ng mga kaso na orihinal na itinakda sa Setyembre 23. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here