Manila, Philippines- Playing safe ang mga netizens lalo na sa kanilang pagbibigay komento kay Bea Alonzo.
Ito ang tila aftermath ng legal na aksyon ng aktres laban sa mga vloggers at content creators.
Sa halip ngang naka-off ang comment section sa social media accounts ni Bea ay malayang makakapag-comment ang mga netizens.
Pero sa pagkakataong ito’y obyus na ingat na ingat sila sa takot na baka pati sila’y sampahan din ng cyber libel case ng kampo ni Bea.
Dahil nakabukas ang comment section nito’y pakiramdam ng mga netizens ay mino-monitor ang kanilang mga opinyon.
At kung hindi naaayon ang mga ito sa gustong mabasa o marinig ni Bea ay may kalalagyan umano sila.
Paulit-ulit nang iginigiit ni Cristy Fermin, isa sa mga kinasuhan, na bilang isang pampublikong pogura, dapat ay bukas si Bea sa mga pagpuna, opinyon o saloobin ng publiko.
Hindi raw sa lahat ng pagkakataon ay maganda o laging pabor kay Bea ang mga komento sa kanya.
Partilular na ipinupunto ng mga netizens ang pagiging balat-sibuyas ni Bea.
Ang mga pagpuna o bashing ay kakambal na sa buhay ng jsang public figure, mapa-pulitiko o artista man.
Under the public eye kasi ang bawat kilos nila.
Hindi naman daw sa lahat ng pagkakataon ay destructive o makapamisala ang mga kritisismo.
Meron ding constructive criticism na tumutulong sa public figure na gumawa ng mga bagay na ikai-improve niya lalo’t kailangan sa uri ng kanyang trabaho.
“Ay, ayokong mag-comment at baka mademanda pa ‘ko!”
Isa lang ‘yan sa maraming saloobin ng mga netizens na naniniwalang mukhang hindi ikinaganda sa imahe ni Bea ang pagsasampa nito ng magkahiwalay na cyber libel case laban sa mga socmed personalities.
Ayon sa source ng Remate Online, dalawang counts o bilang ng naturang kaso ang kinakaharap ni Ogie Diaz, isa pa sa mga kinasuhan, kaugnay ng online program niyang Showbiz Update.
Bukas ang pahayagang ito sa panig ng kampo ng aktres para sa ikaliliwanag ng isyu. Ronnie Carrasco III