MANILA, Philippines- Nagtipon ang human rights groups nitong Miyerkules sa harap ng Department of Justice (DOJ) upang ipanawagan ang pagbasura sa terrorism financing complaint laban sa isang sari-sari store owner mula sa Mountain Province at kapatid ng isang aktibistang napaslang sa tinatawag na Bloody Sunday raids noong Marso 2021.
Kapwa naghain sina Marcylyn Pilala, ang store owner, at Alaiza Lemita, kapatid ng nasawing aktibista na si Chai Evangelista, ng kanilang counter affidavits sa reklamo.
“Para po ibasura nila ang gawa-gawa nilang kaso laban sa akin at sa aking mga kasama dahil wala naman pong katotohanan ‘yun,” wika ni Pilala.
Nang kunan ng komento, sinabi ni OIC Prosecutor General Richard Fadullon na dapat sumailalim ang mga reklamo sa ”right process.”
“Gustuhin man natin, hindi natin puwedeng ibasura ang kahit na anong kaso batay lamang sa kahilingan ng kahit anong grupo,” giit ni Fadullon.
“Kailangan po ito dumaan sa tamang proseso at ang proseso sa ngayon ay dumadaan sa preliminary investigation ng kaso,” dagdag niya.
Sinabi ni Pilala na inakusahan siya ng pagbebenta ng mga paninda sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA), na itinanggi niya.
“Hindi kami nagbibigay,” ani Pilala.
Sa kanyang counter affidavit, binigyang-diin ni Pilala na imposibleng makapagbenta siya sa NPA dahil sinimulan lamang niyang pangasiwaan ang sari-sari store noong Oktubre 2021.
Itinanggi rin niyang nakatanggap siya ng halagang P100,000, na ginamit umano niya upang bumili ng mga paninda.
“My bank statement… reveals that I had not received, deposited, or even maintained such amount in my bank account,” aniya.
“A strict lockdown was in fact imposed and declared. It would have been physically impossible for me to have made purchases in bulk, made withdrawals, and even met these alleged persons,” patuloy niya.
Samantala, inakusahan naman si Lemita ng pagbibigay ng adobo, kanin at pera sa NPA rebels noong Marso 2017.
Aniya pa, wala siyang kinalaman sa NPA o sa kanilang mga aktibidad.
“I urge this Honorable Office to uphold its duty to ‘see that justice is done’ by dismissing the complaint. It must not become another instance where anti-terrorism laws are used to stifle those who dare to speak out and defend the rights of their communities,” giit ni Lemita said sa kanyang counter affidavit.
“Let this be the final chapter in the long history of false accusations, harassment, and violence inflicted upon me and my family,” patuloy niya. RNT/SA