Home ENTERTAINMENT Netizens, to the rescue kay Richard sa di pagbati kay Barbie!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Netizens, to the rescue kay Richard sa di pagbati kay Barbie!August 5, 2025 16:462760 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Kailangan ba naka-post lahat ultimo pagbati ng happy birthday?Ito ang depensa ng ilang netizens sa pagdidiin kay Richard Gutierrez sa umano’y “sin of omission” nito.Marami kasi ang nakapansin sa isang Reddit post na dedma lang ang Kapamilya actor sa birthday ng rumored girlfriend na si Barbie Imperial.Barbie recently turned 27.Bale ba, finlex ni Barbie sa Instagram ang kanyang photo wearing a one-piece panther print suit.Binati siya ni Ruffa Gutierrez at ng kambal ni Richard na si Raymond.Doon na “nag-alburoto” ang mga netizens–bakit daw wala man lang greeting from Richard?To the rescue naman agad ang mga fans ng aktor.Hindi raw ba puwedeng ginreet ni Richard si Barbie verbally o personal nang hindi ipinadadaan pa sa social media?Malay din ba ng mga netizens na magkasama pala ang dalawa ng mismong birthday ni Barbie?Lahat na lang daw ba ng nangyayari sa buhay ng mga artista ay kallangang isapubliko?Don’t they have the right to privacy even if they’re public figures?Oo nga naman. Ronnie Carrasco III