Home METRO Newly elected officers ng PRO1 Press Corps, nanumpa sa tungkulin

Newly elected officers ng PRO1 Press Corps, nanumpa sa tungkulin

LA UNION – Nanumpa sa tungkulin ang mga newly elected officers ng PRO1 Press Corps sa ginanap na oath-taking ceremony at meet and greet with RD sa conference room ng PRO1 sa Camp BGen Oscar M. Florendo, Parian, City of San Fernando, lalawigan ng La Union, kahapon ng umaga, Abril 22.

Mismong si PRO1 Regional Director Police Brig. Gen. Lou F. Evangelista ang nangasiwa sa panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ng PRO1 Press Corps na sina:

President: Hilda Austria

Vice-President: Mark Joshua Cabasan

Secretary: Elsha Marie Arguel

Treasurer: Eva Visperas

Auditor: Susan Yadao

PRO: Liwayway Yparraguirre

Business Manager: Raymond Nachor

Sgt. At Arms: Violy Valdez Ferrer, Yolanda Sotelo, Ahikam Pasion

Matapos ang panunumpa, nagbigay ng mensahe ang Regional Director. Una, ipinaabot niya ang pasasalamat sa mga media sa kanilang tuloy-tuloy na suporta at sa mga napakahalagang kontribusyon nila, lalo na sa mapayapa at maayos na paggunita ng Mahal na Araw.

Binati rin niya ang mga opisyal sa pagtanggap ng tiwala ng kanilang mga kasamahan at ipinaalala na ang pamumuno ay hindi lamang isang titulo kundi isang mabigat na responsibilidad.

“Sa bawat panunumpa, isinaalang-alang natin hindi lamang ang dangal ng inyong hanay, kundi pati na rin ang tiwala ng sambayanan. This gathering is not merely an exchange of pleasantries; it is the strengthening of a vital alliance,” wika ni Evangelista.

“Sa ating pagtutulungan, mas magiging epektibo ang ating misyon, ang magsilbi at magprotekta, hindi lamang sa pisikal na paraan kundi sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon. The role of media in our society cannot be overstated. With every report, every story, and every statement, you help shape public perception, influence decisions, and ignite change. You are not merely narrators of events, you are catalysts for progress, guardians of democracy, and powerful voices of the people,” dagdag pa ng opisyal.

Ipinahayag naman ng mga bagong halal na opisyal ang kanilang suporta sa pagpapatatag ng ugnayan ng media at ng PNP, pagpapaigting ng maasahang impormasyon para sa publiko, at pagbibigay-kaalaman ukol sa mga inisyatibo at programa ng PRO1, lalo na sa mga hakbang pangseguridad kaugnay ng nalalapit na National and Local Elections 2025.

Ang naturang oath-taking ceremony at meet and greet with RD ay dinaluhan ng tatlumpu (30) accredited media representatives mula sa buong Rehiyon 1. Rolando S. Gamoso