Home METRO Convoy ng kandidatong mayor niratrat, 1 tigok, 1 sugatan

Convoy ng kandidatong mayor niratrat, 1 tigok, 1 sugatan

TAYUM, Abra – Patay ang isang kasamahan ng mga kandidato sa pulitika at isa pa ang sugatan matapos ang pamamaril sa Sitio Agdamay, Barangay Budac, Tayum, Abra.

Ayon sa ulat, nakatanggap ang Tayum Police Station ng impormasyon hinggil sa pamamaril, kung saan agad tumugon ang pulisya.

Isang itim na pick-up ang pinahinto ng mga awtoridad na minamaneho ni alyas ‘Ben’ matapos makarinig ng isang putok ng baril.

Nakuha mula sa direktang pag-iingat ni alyas ‘Ben’ ang isang .45 kalibreng pistola, tatlong magasin na naglalaman ng mga bala, at isa pang .45 kalibreng pistola na may magazine na pagmamay-ari umano ni alyas ‘Joel.’

Nagkaroon ng girian sa pagitan ng grupo ni SB Member Walter Tugadi at ng grupo ni Kathlia Alcantara, na kumakandidato sa pagka-alkalde ng Tayum, kasama si Punong Barangay Ryan Luna, habang sila’y nangangampanya sa nasabing lugar.

Sinasabing pinaputukan ang grupo nina Alcantara at Luna, kung saan ikinasugat ng isa nilang kasama at ikinasawi ni alyas ‘Joel.’

Samantala, ang lalawigan ng Abra ay nasa ilalim ng Comelec control dahil sa patuloy na pagtaas ng mga krimen na may kinalaman sa mga pambansang at lokal na halalan para sa 2025. Rey Velasco