Pahayag ni Barzaga vs PBBM maituturing na ‘sedition’ – Malakanyang
MANILA, Philippines - Mariing tinuligsa ng Malacañang nitong Miyerkules ang pahayag ni Cavite Representative Kiko Barzaga na nananawagan ng pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at sinabing maituturing itong inciting to sedition. Ito ay matapos pasinungalingan ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro ang alegasyon ni Barzaga na ang Pangulo ang nasa likod ng kanyang pagkakakulong. Sa press briefing,...
Binili ng Pinas na 22M kilo ng LPG, dadating sa Mayo
MANILA, Philippines - Nakatakdang dumating sa Mayo ang 22,000 metric tons o 22 milyong kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) na inangkat ng pamahalaan sa pamamagitan ng state-run Philippine National Oil Company (PNOC) upang palakasin ang buffer stock ng bansa sa gitna ng nagpapatuloy na fuel crisis sa Middle East. Sa isang virtual press briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Energy...
BRP Sierra Madre ‘di napinsala sa tangkang saboy-asido ng Tsina
MANILA, Philippines – Wala pang naitatalang pinsala sa BRP Sierra Madre (LS-57) na nakapuwesto sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea sa kabila ng iniulat na pagtatangkang magwisik ng cyanide ng mga Chinese malapit sa barko, ayon sa isang opisyal ng Philippine Navy. Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Martes ng gabi, sinabi ni Philippine Navy spokesperson para sa West...
DOE: Oil price rollback sa sunod na linggo, posible
MANILA, Philippines - Posibleng makaranas ang mga motorista ng panibagong rollback sa presyo ng langis sa susunod na linggo matapos magpatuloy ang pagbaba ng presyo sa nakalipas na dalawang araw, ayon sa mga opisyal ng Department of Energy (DOE). Sa isinagawang virtual press briefing nitong Miyerkules, sinabi ni DOE Undersecretary Alessandro Sales na nakikita ng ahensya ang downtrend sa presyo...
Chinese spy satellites ginamit ng Iran para tumarget ng US bases – report
TEHRAN - Lihim umanong nakakuha ang Iran ng Chinese spy satellite noong huling bahagi ng 2024 na nagbigay rito ng kakayahang subaybayan ang mga base militar ng Estados Unidos sa Middle East sa panahon ng kamakailang digmaan, ayon sa ulat ng Financial Times nitong Miyerkules na nakabatay sa mga tumagas na dokumentong militar ng Iran. Ayon sa ulat, ang TEE-01B...
Subic incident na kinasangkutan ng mga dayuhan, iimbestigahan
MANILA, Philippines - INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagsisimula ng isang "motu proprio" na imbestigasyon kaugnay ng napaulat na pagkakasangkot ng ilang dayuhan sa umano’y tangkang iligal na pagpasok at pagkuha ng kontrol sa isang pribadong resort sa Subic Bay Freeport noong Abril 8. Ayon sa BI, iniutos ni Commissioner Joel Anthony Viado ang agarang beripikasyon sa pagkakakilanlan,...
Destab plot vs PBBM na pinalutang ni Madriaga, tatalupan ng NBI
MANILA, Philippines - IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbestiga kaugnay ng isiniwalat ni Ramil Madriaga laban kay dating Pangulong Rodrigo "Digong" Duterte na di-umano’y nagplano ng pagpapatalsik o kahit pagpaslang laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung hindi ito bababa sa puwesto pagsapit ng 2025. Si Madriaga ay sinasabing dating bagman ni dating Vice...
23,176 katao huli sa ‘war on drunks, topless’ sa CALABARZON
Camp BGen Vicente P. Lim, Laguna — Umabot sa 23,176 katao ang naitalang lumabag sa ipinatutupad na “Safer Cities” Initiative sa buong CALABARZON sa loob ng isang linggo, mula Abril 8 hanggang 14, 2026, sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Hansel M. Marantan, Acting Regional Director ng PRO4 CALABARZON. Layunin ng pinaigting na kampanya na isulong ang kaligtasan ng publiko,...
Roque kay PBBM: Medical bulletin kaysa jumping jack; Malakanyang pumalag
MANILA, Philippines - NIRESBAKAN ng Malakanyang ang patutsada ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa ginawang pag-jumping jacks, pag-jogging, at puno ng enerhiyang pagharap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps bago niya isinagawa ang kanyang press conference sa New Executive Building (NEB), Malacañang. Ang sinabi kasi ni Roque ay, “Mas mabuting mag-release ng medical...
Janella, nangangabog ang beach photo!
Manila, Philippines – Seductress. Ganito maaaring ilarawan si Janella Salvador na pinusuan ng mga netizens matapos mag-post sa Instagram ng kanyang oh-so-wow beach photo. This is not her usual beach picture, mind you.Naka-two-piece bikini kasi ang rumored girlfriend ni Klea Pineda, with a tiger design. Fierce as in mabangis talaga ang peg ni Janella—a far cry from her pa-tweetums image noong araw. Janella...












