Mayweather takot makatikim ng talo – Pacquiao
NANINDIGAN si Manny Pacquiao na tuloy ang inaabangang rematch nila ni Floyd Mayweather Jr. sa Setyembre 19 sa Las Vegas, sa kabila ng mga pahayag ng huli na tila nagdududa sa laban. Ayon kay Pacquiao, pareho na nilang napirmahan ang kontrata at nakatanggap ng advance sa bayad, kaya wala umanong dahilan para hindi matuloy ang laban. Nauna rito, sinabi ni Mayweather...
Sahod sa Central Luzon, tataas sa Abril 16
PAMPANGA, Philippines - Magsisimula nang matanggap ng mga manggagawa sa Central Luzon ang ikalawang bahagi ng umento sa sahod sa Huwebes, Abril 16, batay sa ipinatupad na wage order noong nakaraang taon. Sa ilalim ng Wage Order No. RBIII-26 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board III (RTWPB-3) na inilabas noong Setyembre 16, 2025, may kabuuang umento na P50 hanggang...
Sports journalist arestado sa kasong cyber libel na isinampa ni PBA commissioner
MANILA -- Inaresto noong Sabado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)sports journalist Edmund "Snow" Badua sa Quezon City dahil sa kasong cyber libel na isinampa ni PBA commissioner Willie Marcial. CIDG Detection and Special Operations Unit (DSOU) acting chief PLtcol. Sinabi ni Gene Licud na si Badua ay kilala sa pagko-cover ng mga laro at aktibidad ng PBA. May malisya...
Ombudsman Martires tinumbok ni Madriaga: Nakatanggap ng payola mula kay VP Sara, 125M confidential funds naubos sa 24 oras
MANILA, Philippines - Sa pagharap sa House Committee on Justice impeachment hearing, iginiit ni Ramil Madriaga sa kanyang 24-pahinang supplemental affidavit na naghatid siya ng malalaking halaga ng pera sa ilang indibidwal, kabilang umano ang mga opisyal ng Office of the Ombudsman. Ayon kay Madriaga, “Previously and upon direct instructions of PRRD or Sara, I have also delivered money to...
Biopharmaceutical Company at HMO provider, Naglunsad ng Partnership para sa Mas Malusog na Manggagawang Pilipino
MANILA, Philippines — Nagpirmahan ng kasunduan ang biopharmaceutical company na Sanofi Philippines at health maintenance organization (HMO) provider na PhilCare upang isulong ang mas maagap na pangangalaga sa kalusugan ng mga manggagawang Pilipino. Ayon sa dalawang kumpanya, nakahanay ang kanilang partnership sa pagdiriwang ng World Day for Safety and Health at Work sa Abril 28 at World Immunization Week mula...
Pag-alis ng excise tax sa langis, ‘di sapat; dapat kasama pati VAT – Erwin
MANILA, Philippines - Idiniin ni Senador Erwin Tulfo na hindi sapat ang pagsuspinde ng excise tax sa mga produktong petrolyo upang maibsan ang pasanin ng Pilipino sa pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sanhi ng mabilis na pagtaas ng presyo ng gasolina. Sa pagdinig ng Senate Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) ad hoc committee...
Pamasahe sa rutang Batangas–Occidental Mindoro, tumaas
BATANGAS, Philippines - Mataas na ang pamasahe sa mga pasaherong bumibiyahe sa pagitan ng Batangas Port at Abra de Ilog sa Occidental Mindoro matapos mag-anunsyo ang shipping operator na Island Waters ng pagtaas ng kanilang singil simula Martes. Ayon sa anunsyo na inilabas ng Provincial Information Office (PIO) ng Occidental Mindoro, ang pagtaas ay dulot ng patuloy na pagtaas ng...
Higit 3.9M nagparehistro sa BSKE 2026 – Comelec
MANILA, Philippines - Nakapagproseso na ang Commission on Elections ng mahigit 3.9 milyong aplikasyon ng mga botante para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE). Ayon sa Comelec, ito ay halos tatlong beses ang inisyal nitong target na 1.4 milyong bagong botante. Batay sa pinakahuling datos ng Comelec, may kabuuang 3,909,634 na Pilipino ang nag-apply para magparehistro sa ngayon. Sa bilang...
Reklamo vs VP Sara nasa fact-finding na — Ombudsman
MANILA, Philippines - Isinasailalim na sa fact-finding investigation ng Office of the Ombudsman ang mga reklamong plunder, malversation, at graft na inihain ni dating senador Antonio Trillanes IV laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y maling paggamit ng bilyon-bilyong confidential funds. Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, “The complaints are undergoing fact-finding already. The process here is that...
Pagsama ng pribadong sasakyan sa toll discount, iminungkahi ng solon
MANILA, Philippines - Iminungkahi ni House Committee on Labor and Employment Chairman at Cavite Rep. Jolo Revilla na mabigyan ng toll discount ang mga pribadong sasakyan sa harap na rin ng nararanasang krisis. Sa pagdinig ng Legislative Energy and Development (LEAD) Joint Committee sinabi ni Revilla na mayroon nang tulong ang pamahalaan para sa public utility vehicles (PUVs) habang kasunud...












