2 rider patay sa pagbangga sa bahay sa Quezon
MANILA, Philippines - DEAD on arrival ang dalawang hindi nakikilalang lalaking rider matapos na aksidenteng bumangga sa concrete wall ng isang bahay, kahapon, Abril 5 sa kahabaan ng Maharlika Highway Barangay San Isidro Atimonan, Quezon. Ang mga biktima na kapwa mabilis na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan, subalit idineklarang patay na nang dumating sa QPHN Doña Martha Hospital sanhi ng...
Relasyon ng US, PH ‘di apektado sa pagpayag ng Iran sa ligtas na pagdaan sa Hormuz
MANILA, Philippines - SINABI ng Malakanyang na hndi makaaapekto sa relasyon at ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos ang desisyon ng Iran na payagan ang ligtas na pagdaan ng energy supplies patungong Pilipinas sa pamamagitan ng Strait of Hormuz. Ang Estados Unidos ay long-time ally ng Pilipinas. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press...
SB19 Stell, lumabas sa Sari-Sari Stories series!
Manila, Philippines - Bongga talaga ang Sari-Sari Stories series ng Puregold, ang ‘Pangalan’. Sa huling bahagi ng serye ay naging emosyunal ang mga eksena na taos-pusong nagpugay sa mga sari-sari store na pinakikilos ang pang-araw-araw na pamumuhay, mga munting negosyo, at ugnayan ng mga komunidad sa buong Pilipinas. Matapos ang paglunsad ng mga naunang video sa serye, ang “Ways,” “The Sign,”...
Mga piskal na humahawak ng kaso vs VP Sara sa DOJ posibleng mapalitan
MANILA, Philippines - Maaaring mapalitan ang mga piskal na humahawak ng kaso laban kay Vice President Sara Duterte na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ). Pero paglilinaw ng DOJ, ito ay kinakailangan upang mas maayos o mas epektibong magampanan ang trabaho ng prosekusyon. Matatandang nagsampa ng reklamo ang NBI laban kay VP Sara kaugnay sa...
Romualdez, Escudero planong kasuhan ng plunder ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Inihahanda na ng Office of the Ombudsman ang paghahain ng kasong plunder laban kina dating Speaker Martin Romualdez at former Senate President Francis "Chiz" Escudero. “We have been zealously preparing a case of plunder case against former Speaker Martin Romualdez and former SP Chiz Escudero. There’s conspiracy involved,” sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa press conference nitong...
Bogo City, Cebu niyanig ng M-5.4 na lindol
MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Bogo City, Cebu nitong hapon ng Lunes, Abril 6. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol ay tectonic in origin at naitala 17 kilometro timog silangan ng Bogo. Tumama ito 3:22 ng hapon at may lalim na 10 kilometro. Inaasahan ang mga aftershock at pinsala sa naturang lindol,...
Voter registration, magpapatuloy bukas – Comelec
MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na muling ipagpapatuloy ang voter registration bukas, Abril 7 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Nitong Holy Week, pansamantalang sinuspinde ang pagpaparehistro kaya sarado ang kanilang tanggapan mula Miyerkules Santo hanggang Biyernes Santo. Balik din ang regular office transactions ng poll body bukas. Sa pinakahuling datos ng Comelec, nasa 3,697,800 na ang...
60 litro ng diesel ninakaw sa nakaparadang backhoe sa Leyte
MANILA, Philippines - Ninakaw ang nasa 60 litro ng diesel sa nakaparadang backhoe sa Wizard School sa Barangay Fatima, Villaba, Leyte. Ang pagnanakaw ay pinaniniwalaang nangyari noong Abril 1 napansin na lamang ng may-ari ng backhoe na ubos na ang kargang diesel nito. Nakapwesto ang backhoe sa isang construction site. Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng suspek. Bilang tugon, nanawagan ang may-ari ng...
Big-time oil price hike ipatutupad bukas!
MANILA, Philippines - DAHIL sa patuloy na pagtaas sa lumalalang tensyon sa rehiyon ng Middle East, inanunsyo ng mga oil retailer nitong Lunes ang panibagong malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo na nagdudulot ng krisis, hindi lamang sa mga produktong petrolyo kundi sa ekonomiya at kalakalan sa buong bansa. Nabatid na umabot na sa ika-13 sunod na linggo ang pagtaas ng...
DBCC, magsusumite ng rekomendasyon ng fuel tax suspension — Malakanyang
MANILA, Philippines - NAKATAKDANG makipagpulong ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , araw ng Martes, Abril 7, para magsumite ng rekomendasyon nito sa posibleng suspensyon ng excise tax sa petroleum products. Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang nasabing rekumendasyon ay 'subject' sa...












