PNP todo-alerto pa rin sa ikawalang araw ng nationwide transport strike

0

MANILA, Philippines - Nanatiling naka-high alert ang Philippine National Police (PNP) sa ikalawang araw ng nationwide transport strike upang tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. Ayon sa ulat, nanatiling mapayapa at maayos ang unang araw ng transport strike na inilunsad ng grupong Piston kaugnay ng pagtaas ng presyo ng langis...

Zubiri: Long-delayed BARMM polls susulong na: An Eid’l Fitr gift

0

MANILA, Philippines - Tuluyan nang uusad ang nakatakdang halalan sa Bangsamoro Parliament matapos aprubahan ang bicameral conference committee report sa Senado na naghahawan sa matagal nang usapin sa rehiyon. Sa pahayag, inihayag din ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na bukod sa tuluyan nang susulong ang halalan, magsisilbi rin itong regalo sa kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l...

Kahit magbitiw sa puwesto si VP Duterte, impeachment tuloy pa rin — Rep. Luistro

0

MANILA, Philippines - Nilinaw ni House Committee on Justice Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro na kahit pa man magbitiw sa puwesto bilang Vice President si Sara Duterte ay tuloy pa rin ang impeachment proceedings laban dito. Ang pahayag ay ginawa ni Luistro bilang tugon sa tanong ng media sa isinagawang press conference. Aniya, hindi awtomatikong makakansela ang impeachment process...

Anti-Dynasty Bill sa Kamara, kailangan pang lagyan ng pangil — Rep. Diokno

0

MANILA, Philippines - Para kay Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno, kailangan pang palakasin ang bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill sa Kamara upang tuluyan nitong matuldukan ang political dynasty sa bansa. “The Constitution commands Congress to enact an anti-political dynasty law—a law that will put an end to political dynasties, but House Bill No. 8389 is falling short of its intended...

P20M marijuana plantasyon sa Nueva Vizcaya, nadiskubre

0

DUPAX DEL SUR, Nueva Vizcaya — Nadiskubre at tuluyan nang binunot at sinunog ng mga awtoridad ang P20 milyong halaga ng marijuana na nakatanim sa isang plantasyon sa Sitio Gunot, Kimbotan, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya. Pinangunahan ni PMajor Anthony Ayungo, hepe ng Dupax del Sur Police Station, katuwang ang 2nd PMFC sa pamumuno ni PMajor Randy Velarde, kabilang ang...

US, walang itinakdang panahon sa pagtuldok sa Iran war

0

MANILA, Philippines - Walang itinakdang tiyak na panahon ang Estados Unidos para sa pagtatapos ng digmaan laban sa Iran, ayon kay US Defense Secretary Pete Hegseth, tatlong linggo matapos simulan ang operasyon kasama ang Israel. Sa isang press conference, sinabi ni Hegseth na nasa Pangulong Donald Trump ang huling desisyon kung kailan ito matatapos. “We wouldn’t want to set a...

Pinakabihirang freshwater turtle sa mundo, mga itlog nalambat sa Apayao River

0

MANILA, Philippines - Isang pambihirang uri ng pagong na kabilang sa critically endangered species ang nalambat sa Apayao River at agad na ibinigay nang buhay sa mga awtoridad, na nagbigay ng pag-asa sa konserbasyon nito. Sa pagsusuri ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), napag-alamang ang pagong ay isang Cantor’s giant softshell turtle—isa sa pinakabihirang freshwater turtles sa mundo—at...

Fuel subsidy sa E. Visayas, Ilocos, umarangkada na

0

MANILA, Philippines - Pinalalawak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga mangingisda sa iba’t ibang rehiyon upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis. Sa Eastern Visayas, ipamahagi ang ₱3,000 bawat isa para sa mga mangingisdang may motorized boats, sa ilalim ng Fuel Discount Program for Farmers and Fisherfolk Program. Nagsimula...

Viral motornappers na ikinakakarga sa van mga ninanakaw, nasakote sa Cavite

0

MANILA, Philippines - Narekober ng mga awtoridad ang isang motorsiklong ninakaw sa Imus, Cavite matapos itong tangayin ng apat na suspek at ikarga sa isang van, batay sa kuha ng CCTV. Sa insidente noong gabi ng Marso 13 sa Barangay Alapan 1A, makikita sa video ang tatlong lalaki na bumaba mula sa van at tinangay ang nakaparadang motorsiklo, habang may...

NoCot civil registrars, iba pa kinasuhan sa pekeng birth certs

0

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang opisyal ng gobyerno at pribadong indibidwal dahil sa umano’y sistematikong pagpapalabas ng pekeng birth certificate para sa mga dayuhang Chinese sa North Cotabato. Sa isinagawang imbestigasyon ng NBI-Central Mindanao Regional Office, katuwang ang Philippine Statistics Authority (PSA), natukoy ang mga iregularidad sa Local Civil Registry Offices ng Pikit...