LTO: Traffic enforcement patuloy sa kabila ng mungkahing ‘holiday’ sa traffic violators
MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Swerte Partylist Rep. Arlyn Ayon na pansamantalang ipahinto ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-aaprehend ng mga motorista sa loob ng 2–3 linggo dahil sa mataas na presyo ng gasolina. Ayon kay Ayon, maraming magulang ang umaasa sa motorsiklo para sa pamilya at kabuhayan, at maaaring maging mabigat ang multa, tulad ng isang truck driver...
P5,000 ayuda sa PUV drivers, planong ipamahagi online – LTFRB
MANILA, Philippines - Pinaplano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipamahagi ang fuel subsidy sa mga driver ng pampublikong sasakyan (PUV) online upang tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza II, bawat kwalipikadong benepisyaryo ay makatatanggap ng PHP5,000. Upang maisagawa ito, inimbitahan ng LTFRB ang mga...
ICI ‘gang Marso 31 na lang!
MANILA, Philippines - Ipinahayag ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na magpapatuloy lamang ito hanggang Marso 31, 2026 habang unti-unti nitong winawind down ang operasyon, halos anim na buwan matapos itong itatag. Ayon kay ICI Chair Andres Reyes, natapos na nilang ipasa ang lahat ng dokumento, ebidensya, at findings sa Office of the Ombudsman. Ang ICI ay itinatag sa bisa ng...
Unibersidad target ng programa ng NTF-ELCAC kontra recruitment ng NPA
MANILA, Philippines - Ipinahayag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga unibersidad at akademya upang ipaalam sa mga estudyante ang katotohanan tungkol sa insurhensiya at recruitment ng kabataan sa armadong pakikibaka. Ayon kay Undersecretary Ernesto Torres Jr., executive director ng NTF-ELCAC, layunin ng ahensya na bigyan ang kabataan ng kaalaman,...
Sirit-presyo sa produktong petrolyo, posible muli sa susunod na linggo
MANILA, Philippines - Isa na namang malaking pagtaas ng presyo ng langis ang nagbabadya sa susunod na linggo dahil sa epekto ng giyera sa Gitnang Silangan. Ayon sa mga industriya, ang diesel ay maaaring tumaas ng ₱19.30 hanggang ₱22.30 kada litro simula Martes, habang ang gasolina ay posibleng tumaas ng ₱14 hanggang ₱17 kada litro. Ngayong linggo, naitala ang pinakamataas na...
PAGASA: Amihan, sulitin na bago ito matapos!
MANILA, Philippines - Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kailangan ng sulitin ang malamig at tuyong hangin ng amihan bago ito matapos. Ngayong Biyernes, Marso 13, inaasahang magdadala ang amihan ng maulap na kalangitan at bahagyang ulan sa mga lalawigan ng Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes. Para...
Taas-singil sa tubig sa Metro Manila, nakaumang
MANILA, Philippines - Bukod sa mas mataas na presyo ng langis at kuryente, asahan din ng mga residente sa Metro Manila at karatig lugar ang pagtaas ng singil sa tubig sa April hanggang June 2026. Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), inaprubahan ng kanilang board ang foreign currency differential adjustment (FCDA), na nag-aayos ng bayarin base sa galaw...
Justice Reform Commission gustong likhain ni Pangilinan: ‘May krisis sa sistema’
MANILA, Philippines - Gustong lumikha si Senador Francis “Kiko” Pangilinan ng isang Justice Reform Commission sa Kongreso upang balasahin ang buong sistema ng katarungan sa bansa sa gitna ng multi-bilhong flood control scam na sumalanta sa bansa noong nakaraang taon. Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on justice and human rights, na layunin ng congressional commission na...
2 Chinese nagpanggap na Pinoy, arestado sa Iligan
MANILA, Philippines - Arestado ng Bureau of Immigration (BI) sa Iligan City ang dalawang Chinese nationals na nagpanggap na Pilipino gamit ang mga pekeng lokal na pagkakakilanlan. Kinilala ang mga suspek na sina Baogui Xu, 53, at Lizun Cai, 50, na inaresto ng Mindanao Intelligence Task Group noong Marso 4. Ayon sa BI, nakakuha ang dalawa ng Philippine-issued identification documents na...
ERC kinalampag ni Gatchalian sa ‘utay-utay’ na pagtaas sa singil ng kuryente
MANILA, Philippines - Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na tiyaking ang anumang pagtaas sa singil sa kuryente ay ipatutupad nang pautay-utay o staggered basis upang maprotektahan ang mamimili laban sa biglaan at matinding financial distress. Binigyang-diin ni Gatchalian, na siyang vice-chairperson ng Senate Committee on Energy, na dapat bantayang mabuti ng ERC ang mga rate...












