NBA: Sentro ng Lakers na si Deandre Ayton inaresto sa Bahamas
MANILA, Philippines -Inaresto ang sentro ng Los Angeles Lakers na si Deandre Ayton kahapon sa Lynden Pindling International Airport sa Bahamas dahil sa hinalang may hawak ng kaunting marijuana, sinabi ng kanyang abogado at dalawang source na pamilyar sa bagay na ito. Sinabi ng mga source na si Ayton, isang tubong Bahamas, ay inaresto at ikinulong matapos makitang may marijuana....
Pacquiao sasabak sa exhibition fight sa Abril sa Vegas
MANILA, Philippines — Babalik si Manny Pacquiao sa boxing ring sa Abril, ngunit sa pagkakataong ito, muli niyang pinili na pumunta sa exhibition route.Makakalaban ng Filipino icon si dating world champion Ruslan Provodnikov ng Russia sa isang 10-round exhibition fight sa Abril 18 sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, ayon sa iba't ibang ulat kahapon.Sa isang pahayag,...
Pag-iisyu ng guarantee letters gagawing digital ng DSWD
MANILA, Philippines - Gagawing digital na ang pag-iisyu ng guarantee letters (GL) kasabay ng layunin ng pamahalaan na gawing accessible pa ang mga social service, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules, Pebrero 18. Sa panayam, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguruhing magiging madali ang...
10 skiers nawawala sa avalanche sa California
UNITED STATES — Sampung skiers ang nawawala habang anim ang na-stranded matapos tamaan ng avalanche ang isang grupo malapit sa Lake Tahoe sa Sierra Nevada mountains ng California nitong Martes, Pebrero 17. Ayon sa Nevada County Sheriff’s Office, naganap ang insidente bandang 11:30 a.m. (Pacific time) sa Castle Peak area sa Truckee, humigit-kumulang 10 milya hilaga ng Lake Tahoe. Tinangay ng...
3 patay, 4 sugatan sa magkahiwalay na avalanche sa French Alps
FRANCE — Tatlong katao ang nasawi at apat ang nasugatan sa magkahiwalay na avalanche sa French Alps, ayon sa mga lokal na awtoridad at ulat ng media nitong Martes, Pebrero 17. Bandang tanghali, isang malawak na pagguho ng niyebe na may lapad na humigit-kumulang 300 metro ang tumabon sa isang kalsada at footpath sa bayan ng Valloire sa timog-silangang France,...
Kush, marijuana oil nasabat sa food delivery rider sa Pasay
MANILA, Philippines - Nalambat sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City police ang isang food delivery rider na nakumpsikahan ng marijuana oil at kush Miyerkules ng umaga, Pebrero 17. Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang nadakip na suspek na si alyas Tabi, 21, bagong street level...
Marcoleta: Carpio ‘guilty agad,’ ‘di na kailangan ng treason case
MANILA, Philippines - Sinabi ni Senator Rodante Marcoleta na hindi na kailangang magsampa ng kasong treason laban kay retired Supreme Court Justice Antonio Carpio, dahil aniya ay “guilty already” ang dating mahistrado. Ginawa ni Marcoleta ang pahayag sa isang panayam sa telebisyon noong Pebrero 16, kaugnay ng desisyong isinulat ni Carpio noong 2011 hinggil sa territorial waters ng Pilipinas, na...
‘Patriotic tourism’ bubuksan sa Pag-asa Island
MANILA, Philippines - Bubuksan ng lokal na pamahalaan ng Kalayaan town sa Palawan ang Pag-asa Island para sa tinatawag na “patriotic tourism” upang palakasin ang diwa ng nasyonalismo at maipakilala ang kasaysayan ng isla. “Patriotic tourism is primarily focused on the story of the island,” ani Kalayaan town councilor Francis Polizon sa isang press conference noong Martes. Ayon kay Polizon, sa...
Messenger.com web messaging, ‘gang Abril 2026 na lang
MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Meta, ang parent company ng Facebook, na hindi na susuportahan ng Messenger.com ang messaging services simula Abril 2026. Sa isang pahayag, sinabi ng Meta na maaaring gamitin ng mga user ang Facebook.com/messages upang magpatuloy sa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa web. “You can use Facebook.com/messages to continue messaging on the web,” ayon sa kumpanya. “After...
Ukraine at Russia nagsagawa ng peace talks sa Geneva
MANILA, Philippines - Natapos ng mga negotiator mula sa Ukraine at Russia ang unang araw ng US-mediated peace talks sa Geneva nitong Martes, habang hinimok ni US President Donald Trump ang Kyiv na pabilisin ang pag-abot sa kasunduang magtatapos sa apat na taong digmaan. Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na handa ang Ukraine na makipagkasundo ngunit kinuwestiyon ang layunin...












