Pautang sa mga guro ‘di malulutas ng flexible loan terms kung walang pagtaas sa suweldo – grupo

0

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines noong Huwebes, Pebrero 5, na lalong lalaki lang ang utang ng mga guro kung hindi itataas ang kanilang sahod. Ayon kay ACT Chairperson Ruby Bernardo, kahit nakakaakit ang mas mahabang loan terms, hindi nito tinutugunan ang pangunahing sanhi ng problema: mababang sahod ng mga guro. “Baon pa rin sa utang...

Sandiganbayan ‘di pinayagang mailipat si Bong Revilla sa PNP Custodial Facility

0

MANILA, Philippines - Mananatili sa Quezon City Jail sa Payatas si dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. matapos tanggihan ng Sandiganbayan ang kanyang kahilingan na mailipat sa PNP Custodial Facility. Kasabay nito, tinanggihan rin ng anti-graft court ang motion to dismiss ni Revilla at ng kanyang mga co-accused kaugnay ng P92.8 milyong flood control project sa Pandi, Bulacan. Ayon sa...

Mayor Kerwin Espinosa sumuko sa NBI sa kasong murder

0

CEBU, Philippines - Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) Cebu si Albuera, Leyte Mayor Rolan “Kerwin” Espinosa kasama ang dalawa pa niyang co-accused noong Huwebes, Pebrero 5, matapos maglabas ng arrest warrant ang Cebu Regional Trial Court (RTC) Branch 14 kaugnay ng isang kasong murder. Walang inirekomendang piyansa. Sa isang video message na inilabas noong umaga ng Huwebes, nanawagan...

2 impeachment complaints vs VP Sara, inakyat na kay Speaker Dy

0

Manila, Philippines – Kinumpirma ni House Secretary General Atty. Cheloy E. Velicaria-Garafil na ini-akyat na niya sa tanggapan ng speaker ng Kamara ang dalawang impeachment complaints na inihain laban kay Vice President Sara Z. Duterte gaya ng ipinag-uutos ng Rules ng Kongreso. Ayon kay Garafil ang nabanggit na dalawang impeachment ay kaniyang naipadala na sa tanggapan ni House Speaker Faustino...

Pansamantalang suspensyon ng biyaheng pandagat, iniutos ng PCG

0

MANILA, Philippines - Inatasan ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Huwebes ng gabi ang pansamantalang suspensyon ng biyahe ng lahat ng sasakyang pandagat sa timog na bahagi ng Oriental Mindoro at Concepcion, Romblon, dahil sa Bagyong Basyang. Sa isang Notice to Mariners na inilabas noong Pebrero 5, alas-8 ng gabi, sinabi ng PCG na sakop ng suspensyon ang mga ruta...

Zaldy Co nasa Sweden, walang ipinadalang emissary sa Pinas – abogado

0

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng abogado ni dating kongresista Zaldy Co na nasa Sweden ang dating mambabatas kung saan personal niyang pinirmahan ang isang petisyon, at itinanggi na nagpadala ito ng mga “emissary” upang makipag-usap sa gobyerno ng Pilipinas. Ayon kay attorney Ruy Rondain, wala siyang impormasyon sa kasalukuyang kinaroroonan ni Co. “I do know that he was there for a...

Nasagip na Philippine hawk-eagle pinalaya sa Agusan Marsh

0

AGUSAN DEL SUR, Philippines - Pinalaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) 13 (Caraga Region) ang isang Philippine hawk-eagle (Nisaetus philippensis) sa buffer zone ng Agusan Marsh Wildlife Sanctuary matapos itong masagip. Ang ibon ay natagpuan at isinuko ng residente ng Barangay Magaud, Loreto, Agusan del Sur na si Benjie Geral Dumogoy sa Community Environment and Natural Resources...

P1.8-M jackpot ng 6D lotto nasungkit ng 1 mananaya

0

MANILA, Philippines - Isang maswereteng mananaya ang makapag-uuwi ng P1.8 milyon jackpot prize sa 6D Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Huwebes, Peb. 5. Nahulaan ng mananaya ang eksaktong sunud-sunod na winning combination na 0-3-0-5-8-9 ng 6D Lotto, kaya't mai-uuwi nito ang P1,800,431.00 na jackpot prize. Samantala, walang nanalo sa alinman sa major lotto draws. Walang nanalo sa lotto...

Zubiri handang bumaba bilang Senate majority leader sa 2027

0

MANILA, Philippines - Sinabi ni Sen. Juan Miguel Zubiri na handa siyang bumaba bilang Senate majority leader sa huling bahagi ng 2027 upang mabigyan ng pagkakataon ang iba pang senador na humawak ng mga posisyon sa pamunuan ng Senado. “Actually, I also indicated that I am willing to step down as majority floor leader and also let my Senior Deputy...

Sotto: Draft report ng Senado sa flood control isyu ‘di opisyal, ‘di puwedeng ilabas

0

MANILA, Philippines - Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ang draft committee report ng Senate blue ribbon committee tungkol sa umano’y anomalya sa mga flood control project ay hindi pa opisyal at hindi maaaring ilabas sa publiko. Ito ang tugon ni Sotto sa petisyon na humihiling ng buong pagbubunyag ng naturang draft report. Ayon sa kanya, may tiwala...