Top 1 MWP nalambat sa Pateros
MANILA, Philippines - Arestado sa ikinasang operasyon ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pateros police ang isang suspek sa robbery na tinaguriang top 1 most wanted person (MWP) Martes ng hapon, Pebrero 3. Sa report na isinumite ng Pateros police kay Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Randy Arceo ay nakilala ang nasakoteng suspek na si alyas Arc,...
Update sa PH–Japan tax treaty, isinasapinal na
MANILA, Philippines — Pinangunahan ng Department of Finance (DOF) ang pormal na negosasyon para sa pag-amyenda ng Philippines–Japan Double Taxation Convention (DTC), na layong gawing mas makabago at patas ang kasunduan sa pagbubuwis ng dalawang bansa. Isinagawa ang negosasyon mula Enero 27 hanggang 30 at natapos sa loob lamang ng isang pormal na round, ayon sa DOF. Sinabi ni Finance Secretary...
1 patay, 12 sugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa BOSS Ironman
MANILA, Philippines — Isang rider ang nasawi habang 12 iba pa ang nasugatan sa serye ng aksidente kaugnay ng BOSS Ironman Motorcycle Endurance Challenge na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, ayon sa ulat. Batay sa report nitong Martes, Pebrero 3, kabilang sa mga nasugatan ang ilang menor de edad na nanonood lamang ng naturang event. Iniimbestigahan na ngayon ng...
‘Illegal’ mining site sa Bukidnon ipinasara
MANILA, Philippines - Ipinasara ng mga awtoridad ang umano'y illegal mining operation sa Bukidnon. Kasabay nito ay naaresto ang isang indibidwal, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Martes, Pebrero 3. Ang illegal mining site ay matatagpuan sa Purok 9, Barangay Old Kibawe, Kibawe, Bukidnon, na nilusob ng mga awtoridad sa pamamagitan ng search warrant na inisyu ng Cagayan de...
Pagka-blacklist ng higit 60 contractors ‘di makaaapekto sa infra projects
MANILA, Philippines - Hindi umano makakaapekto sa pagpapatuloy ng mga kasalukuyang proyekto ng imprastraktura ang mahigit 60 kontraktor na inaasahang ma-blacklist dahil marami pang kompanya ang maayos ang performance. Ang pagba-blacklist ay kasabay ng proseso ng pagbawi sa mga lisensya ng mga kontraktor na sangkot sa mga anomalya sa flood control projects. Sa kasalukuyan, may 16 na kasalukyang proseso para sa...
P8.91M pinatuyong marijuana naharang sa mga parcel sa Pasay
MANILA, Philippines - Naharang ng mga awtoridad ang nasa P8.91 milyong halaga ng pinatuyong marijuana sa 20 abandonadong inbound parcel sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City, ayon sa Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEG) nitong Martes, Pebrero 3. Nadiskubre ang mga illegal na droga nitong Lunes sa pamamagitan ng isang cargo X-ray screening ng Bureau of...
Walang nanalo ng jackpot sa lotto draw nitong Martes, Pebrero 3
MANILA, Philippines - Walang nanalo ng jackpot prizes sa major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi, Pebrero 3, 2026. Ito ay matapos walang makahula ng tamang winning combination na 33-14-10-15-24-12 para sa Lotto 6/42, sa jackpot prize na P10,000,000.00. Wala ring nakahula ng kombinasyon na 39-15-02-12-07-18 sa Superlotto 6/49, para sa jackpot prize naman na...
Naga City, DepDev pumirma ng kasunduan sa AI City Planner
MANILA, Philippines - Pumirma ang lokal na pamahalaan ng Naga City ng kasunduan sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) para ipatupad ang proyekto na gumagamit ng artificial intelligence sa pagpaplano ng transport at land-use projects sa lungsod. Ang proyekto ay popondohan ng National Innovation Council (NIC) kung san vice chair ang DEPDev dito, ang AI City Planner ng...
Social media access ng mga edad 16 pababa ipagbabawal na sa Spain
SPAIN - Ipagbabawal na ng Spain ang pag-access sa social media ng mga menor de edad o 16-anyos pababa at oobligahin ang mga social media platform na magpatupad ng age verification systems. Ito ang inanunsyo ni Prime Minister Pedro Sanchez araw ng Martes, Pebrero 3 kasunod ng anunsyo niya ng hakbang upang magkaroon ng ligtas na digital environment. "Our children are...
ICI ‘di maikokonsiderang impeachable offense – Erice
MANILA, Philippines — Hindi maituturing na impeachable offense ang paglikha ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kahit pa itinuturing itong bigong inisyatiba, ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice. Ito ang sinabi ni Erice sa pagdinig ng House committee on justice kaugnay ng pagtalakay kung sufficient in form ang impeachment complaint na inihain ng abogadong si Andre de Jesus laban kay...












