Fresh grads hinimok makibahagi sa reporma vs korapsyon sa DPHW
MANILA, Philippines - Hinimok ni Public Highways Secretary Vince Dizon ang mga kabataan o fresh graduates na makibahagi sa reporma sa kagawaran para labanan ang korapsyon. Sa kanyang pagdalo sa pagsisimula ng DPWH Campus Job Fair sa Mapúa University sa Intramuros, Maynila, sinabi ni Dizon na bahagi ng direktiba ng Pangulo ang humikayat ng mga dynamic at idealistic young professionals...
DSWD nagpasalamat sa relief donation ng India
MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Miyerkules sa People and Government of India sa donasyong non-food humanitarian assistance para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong “Tino” at “Uwan” noong Nobyembre noong nakaraang taon. Opisyal na inabot ang donasyon ni Indian Ambassador to the Philippines His Excellency Shri Harsh Kumar Jain kay DSWD Undersecretary...
Masusing imbestigasyon, mabilis na pagbayad ng insurance iniatas sa malagim na disgrasya sa Isabela
MANILA, Philippines — Iniutos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang imbestigasyon at mabilis na pag-release ng insurance payout para sa mga biktima ng nakamamatay na salpukan ng isang trak at passenger jeepney sa Luna, Isabela noong Miyerkules ng umaga. Ayon sa pahayag, sinabi ni LTFRB Chair Vigor Mendoza II na sumusunod ang ahensya sa utos ni Pangulong...
US ‘di na gagamit ng puwersa, sirit-taripa sa Greenland – Trump
DAVOS, Switzerland — Biglang umatras si U.S. President Donald Trump mula sa mga banta ng taripa at posibleng pag-angkin ng Greenland, at inihayag na may naabot nang “framework” para sa isang kasunduan na magtatapos sa pagtatalo tungkol sa Danish territory. Sa kanyang pagbisita sa World Economic Forum sa Davos, sinabi ni Trump na hindi na gagamitin ang puwersa, at na...
Pandaigdigang demand sa langis, tumaas sa 2026 – IEA
MANILA, Philippines - Itinaas ng International Energy Agency (IEA) ang forecast nito para sa paglago ng pandaigdigang demand sa langis sa 2026, na nagpapahiwatig ng bahagyang mas maliit na surplus sa merkado ngayong taon. Sa pinakabagong monthly oil market report nito, sinabi ng Paris-based energy watchdog na inaasahan nitong tataas ang global oil demand ng 930,000 barrels per day (bpd)...
Pasig LGU nagpamahagi ng libreng gamot para sa mental health
MANILA, Philippines - Nagbibigay ang lokal na pamahalaan ng Pasig ng libreng gamot sa mga pasyenteng naka-enroll sa Mental Health Program ng lungsod. Ayon sa Mental Health Office ng Pasig, mula Enero 19, may 22 uri ng gamot para sa mental health na ibinibigay ng Department of Health (DOH). Maaari rin itong makuha ng mga hindi residente ng Pasig. Ang mga...
P15-B ghost projects itinanggi ng AFP
MANILA, Philippines — Muling itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Huwebes ang mga paratang tungkol sa umano’y P15-bilyong “ghost projects” sa organisasyon, at sinabi nitong tumutukoy ang halagang ito sa TIKAS Program na eksklusibong pinamamahalaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa isang pahayag, sinabi rin ng AFP na “completely false” ang mga alegasyon na...
DOLE nagpaalala sa mga employer sa tamang pagpapalabas ng final pay, COE
MANILA, Philippines - Pinapaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na ilabas ang final pay at certificate of employment (COE) ng kanilang mga manggagawa sa tamang oras, matapos maging pangunahing isyu noong nakaraang taon ang mga tanong tungkol sa final pay. Ayon sa DOLE, batay sa Labor Advisory No. 06, series of 2020, dapat ibigay ng...
Torre: ‘Di ako pumirma sa optional retirement sa PNP
MANILA, Philippines — Iginiit ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) at kasalukuyang General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Nicolas Torre III na hindi siya nagsumite o pumirma ng optional retirement mula sa serbisyo ng pulisya. Sinabi ni Torre ito ngayiong Huwebes matapos niyang inspeksyunin ang isinagawang Bayanihan sa Estero program sa Kalabingkoho River sa...
2 Tsino nalambat sa P8M puslit na yosi sa Pangasinan
MANILA, Philippines - DALAWANG Chinese national ang naaresto sa isang checkpoint sa Labrador, Pangasinan nitong Miyerkules matapos matagpuan ang P8 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa kanilang sasakyan, ayon sa Philippine National Police (PNP). Ayon sa PNP, sa checkpoint operation sa Barangay Poblacion ay hinarang ng mga pulis ang isang closed van para inspeksyon at natuklasan ang 101 kahon...












