P15-B ghost projects itinanggi ng AFP
MANILA, Philippines — Muling itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Huwebes ang mga paratang tungkol sa umano’y P15-bilyong “ghost projects” sa organisasyon, at sinabi nitong tumutukoy ang halagang ito sa TIKAS Program na eksklusibong pinamamahalaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa isang pahayag, sinabi rin ng AFP na “completely false” ang mga alegasyon na...
DOLE nagpaalala sa mga employer sa tamang pagpapalabas ng final pay, COE
MANILA, Philippines - Pinapaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na ilabas ang final pay at certificate of employment (COE) ng kanilang mga manggagawa sa tamang oras, matapos maging pangunahing isyu noong nakaraang taon ang mga tanong tungkol sa final pay. Ayon sa DOLE, batay sa Labor Advisory No. 06, series of 2020, dapat ibigay ng...
Torre: ‘Di ako pumirma sa optional retirement sa PNP
MANILA, Philippines — Iginiit ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) at kasalukuyang General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Nicolas Torre III na hindi siya nagsumite o pumirma ng optional retirement mula sa serbisyo ng pulisya. Sinabi ni Torre ito ngayiong Huwebes matapos niyang inspeksyunin ang isinagawang Bayanihan sa Estero program sa Kalabingkoho River sa...
2 Tsino nalambat sa P8M puslit na yosi sa Pangasinan
MANILA, Philippines - DALAWANG Chinese national ang naaresto sa isang checkpoint sa Labrador, Pangasinan nitong Miyerkules matapos matagpuan ang P8 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa kanilang sasakyan, ayon sa Philippine National Police (PNP). Ayon sa PNP, sa checkpoint operation sa Barangay Poblacion ay hinarang ng mga pulis ang isang closed van para inspeksyon at natuklasan ang 101 kahon...
4 sa 10 batang Pinoy, nakaranas ng karahasan sa magulang
MANILA, Philippines - Ipinakita ng bagong pag-aaral na sinuportahan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na halos apat sa bawat sampung batang Filipino ang nakararanas ng karahasan mula sa magulang, at ang mga biktima ay mas malamang na hindi makapagtapos o manatili sa paaralan. Ginamit ng pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na pinamagatang “Early Harm,...
Russian ‘HIV spreader’ sa BGC, naaresto na ng BI
MANILA, Philippines — Inaresto ang isang 22-anyos na Russian national matapos sumikat sa TikTok ang video niya kung saan siya ay nagmumura at sinasabing magpapalaganap siya ng HIV sa Pilipinas. Makikita sa video ang lalaki na naglalakad sa Bonifacio Global City at binibigyang-diin na ipapakalat niya ang nasabing sakit. Agad na nagsagawa ng operasyon ang Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU)...
Ikalawang impeachment case vs PBBM, ihahain ng Makabayan bloc
MANILA, Philippines - Maghahain ng ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga militanteng grupo sa pangunguna ng Makabayan bloc sa House of Representatives sa Huwebes, Enero 22. Kinumpirma ni House Deputy Minority Leader ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio sa isang Viber message sa mga reporter na isasagawa ang paghahain ng reklamo sa ganap na...
Pag-absuwelto kay Teves sa murder case, iaapela ng DOJ
MANILA, Philippines — Balak ng Department of Justice (DOJ) na i-apela ang pag-absuwelto sa dating kongresista ng Negros Oriental na si Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa kaso ng pagpatay noong 2019 sa dating board member at dating ahente ng NBI na si Michael Dungog. Sinabi ni DOJ Acting Secretary Fredderick A. Vida na “We will study and evaluate and definitely...
Pinas pinakamatrapik na lugar sa Asia
MANILA, Philippines - Ang Pilipinas ang pinaka-mabigat ang trapiko sa Asya noong 2025, ayon sa TomTom Traffic Index, na may congestion level na 45%, na sinundan ng India at Singapore na parehong may 37%. Ayon sa index, ang congestion level ay ang karaniwang dagdag na oras ng pagbiyahe kumpara sa kondisyon ng walang trapiko. Nanatiling pinaka-mabigat ang trapiko sa Davao City...
‘Tropang Angat’ dinner, ‘di meeting pero Halalan 2028, napag-usapan
MANILA, Philippines — Inihayag ni Senador Risa Hontiveros na kabilang sa mga napag-usapan sa isang nakaraang dinner kasama ang mga miyembro ng 2022 senatorial slate ni dating Bise Presidente at ngayo’y Mayor ng Naga City na si Leni Robredo ang eleksyon ng 2028, bagama’t walang tiyak na agenda ang pagtitipon. Sinabi ni Hontiveros sa Kapihan sa Senado forum na ang...












