P4-M puslit na yosi nasabat sa checkpoint
MANILA, Philippines - Umabot sa P3.92 milyong halaga ng umano’y smuggled na sigarilyo ang nasamsam sa isang routine checkpoint sa Parang, Maguindanao del Norte noong Martes ng umaga, ayon sa Philippine National Police (PNP). Ang operasyon ay isinagawa ng mga yunit ng PNP at Bureau of Customs (BOC) Sub-Port of Parang nang i-flag ang isang puting wing van truck sa...
Alegasyong itinatago ng pulis si Atong Ang, sinagot ni Nartatez
MANILA, Philippines - Sinabi ni acting Philippine National Police (PNP) chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Miyerkules na hindi madidistract ang pulisya ng “unfounded allegations” laban sa kanila sa paghahanap sa fugitive na si businessman Atong Ang. “We are mindful of all the allegations involving the integrity of the PNP. We verify and immediately take action as...
Tsina direktang binalaan Pinas sa pagkakalat ng ‘malisyosong impormasyon’
MANILA, Philippines - Nagbabala ang China sa mga opisyal ng Pilipinas na “magbabayad” kung ipagpapatuloy nila ang pagkalat ng umano’y “malisyosong impormasyon” laban sa bansa. Sa isang pahayag noong Martes, Enero 19, sinabi ni Guo Jiakun, tagapagsalita ng Foreign Ministry ng China, na ang isang diumano’y tagapagsalita ng Philippine Coast Guard ay “maliciously” nagkalat ng disimpormasyon tungkol sa China at...
Vice, naging emosyunal kay Anne!
Manila, Philippines — Madamdamin ang naging rebelasyon ni Vice Ganda tungkol sa kanyang co-host na si Anne Curtis. Ayon kay Meme, si Anne daw ang itinuturing niyang “best friend” sa kanilang noontime show. Ikinuwento rin ni Vice ang kakaibang closeness nila ng Kapamilya star. Sey pa niya, mas nagiging madali sa kanya ang trabaho kapag kasama si Anne. Hirit pa niya, iba raw...
Kampo ni Atong Ang, nag-surrender ng mga armas sa kapulisan
MANILA, Philippines - Isinuko ng kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang kanyang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin ang kanilang mga lisensya ng Firearms and Explosives Office (FEO) ng Philippine National Police (PNP). Sa kanyang liham kay PBGEN Jose DJ Manalad Jr., acting FEO chief, na may petsang Enero 20, 2026, ang mga kopya nito ay nakuha...
‘Minority report’ sa flood control mess, ‘kabastusan’ sa Senate Blue Ribbon – Lacson
MANILA, Philippines - Sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nitong Miyerkules na itinuturing niyang kawalan ng paggalang sa Senate blue ribbon committee, na kanyang pinamumunuan, ang minority report ukol sa flood control scandal at walang bisa ito. Ayon kay Lacson, wala sa mga alituntunin ang pagkakaroon ng minority report at hindi niya alam kung bakit ito biglang...
Top 1 most wanted, nalambat sa Pasay
MANILA, Philippines - Arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay City police ang tinaguriang top 1 most wanted person (MWP) sa ikinasang Oplan Galugad/Manhunt Operation Lunes ng hapon, Enero 19. Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang nadakip na suspek na si alyas Jovert, 19, residente ng Protacio St., Barangay 114,...
3 bebot na tulak, tiklo sa P2M tobats
CAMP OLIVAS, PAMPANGA — Timbog sa mga awtoridad ang tatlong babae na umano’y mga tulak ng ipinagbabawal na droga at masamsam sa mga suspek ang nasa P2-milyon halaga ng hinihinalang shabu matapos mahulog sa patibong sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Calipahan, Talavera, Nueva Ecija. Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones...
3 todas, 8 sugatan sa salpukan ng dyip at trak sa Isabela
LUNA, Isabela - Tatlo ang kumpirmadong patay kabilang ang isang 19-anyos na lalaking estudyante matapos ang salpukan ng isang dump truck, pampasaherong jeep at motorsiklo pasado alas-9:00 kaninang umaga, Enero 21, 2026, sa National Highway, Barangay Mambabanga, Luna, Isabela. Ayon kay PMaj. Jonathan Ramos, hepe ng Luna Police Station, nadulas umano ang dumptruck matapos nitong subukang mag-fullstop para iwasan ang...
Lider ng criminal gang, laglag sa kulungan
MANILA, Philippines - Laglag sa kulungan ang isang lalaking leader ng criminal gang na wanted sa kaso ng robbery nang maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City. Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz ang pagtugis sa 37-anyos na akusado na wanted sa dalawang bilang na kasong robbery...












