CALAX ginawang tapunan ng bangkay ng bebot

0

MANILA, Philippines - Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay ng isang babae sa isang construction site sa kahabaan ng CALAX Road sa Silang, Cavite, Linggo ng umaga. Inilarawan ang babaeng biktima na tinatayang 40 hanggang 50 anyos, nakasuot ng kulay pink na sando, light brown jacket, maong pants, pulang cap, at puting tsinelas. Sa ulat, dakong alas-9:15 ng...

Environment Manager ng DENR, sinisisi sa Cebu landfill collapse

0

MANILA, Philippines - Matinding sinisisi ng isang bagitong senador ang Environment Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagguho ng kabundok na basura sa Barangay Binaliw, Cebu City. Sa pahayag, sinabi ni Senador Erwin Tulfo na dapat managot ang EMB ng DENR sa pagguho ng basura dahil nabigo ang ahensiya na magpatupad ng strict oversight sa...

Parak, sinaksak sa mukha ng pinoposasang wanted

0

Bulacan — Binaril ng pulis ang wanted person na kanilang lalagyan ng posas habang isinisilbi ang Warrant of Arrest (WOA) nang bigla umano itong manaksak sa bayan ng Bocaue nitong madaling araw ng Enero 19. Sa ulat ni PLTCOL Gilbert Diaz, hepe ng Bocaue police station, kinilala ang akusado na si alyas “Just,” 31, residente ng Northville 5, Brgy. Batia. Ayon...

Binatilyo, tinarakan sa QC

0

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang 16-anyos na batang lalaki makaraang pagsasaksakin sa isang parke sa Barangay Greater Lagro, Fairview, Quezon City noong Enero 17, sabi ng Quezon City Police District (QCPD). Sinabi ng QCPD na ang biktima ay inatake ng isang grupo ng mga bata na sumasalungat sa batas. “Ang isang menor de edad na saksi ay positibong kinilala...

Kapistahan ng Tondo, naging payapa at maayos

0

MANILA, Philippines - Walang anumang naitalang untoward incident sa naging pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila. Sa ginanap na 30 misa, dinagsa ng mga deboto ang Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo. Sa datos ng MPD, pumalo sa tig-8,500 ang pinakamataas na bilang ng mga deboto na dumalo sa misa ng alas-6:00 at alas-7:00...

Bonoan, umasa lang sa datos na isinusumite ni Cabral sa flood control

0

MANILA, Philippines - Sinabi ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan nitong Lunes na umasa siya sa datos na isinumite ng kanyang mga tauhan, lalo na ng tanggapan ng yumaong undersecretary Maria Catalina “Cathy” Cabral, sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon kay Bonoan, nagsumite ang...

DPWH RD sinita ng mga senador sa takip-mukha sa pagdinig

0

MANILAS, Philippines - Sinita ng mga senador nitong Lunes ang dating regional director ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa MIMAROPA na si Gerald Pacanan dahil itinago niya ang kanyang mukha habang nagbibigay ng testimonya sa Senate Blue Ribbon Committee ukol sa anomalya sa flood control projects. Dumating si Pacanan sa pagdinig na naka-white hooded jacket at dilaw...

Upuan, lamesang gawa sa kawayan, ipakakalat sa mga paaralan

0

MANILA, Philippines - Magsisimulang makatanggap ng mga lamesa at upuang gawa sa kawayan ang mga pampublikong paaralan simula Pebrero, habang tuluyan nang ipatutupad ng Department of Education (DepEd) ang 15 taong gulang na polisiya na nag-uutos ng paggamit ng kawayan sa procurement ng school furniture. Magpapamahagi ang DepEd ng 144,081 set ng learners’ tables and chairs at 3,235 set para...

Mindanao-wide na “Ligtas Tigdas” vaxx, inilunsad

0

MANILA, Philippines - Inilunsad ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ang Mindanao-wide na “Ligtas Tigdas” vaccination drive na nakatuon sa mga batang may edad anim na buwan hanggang 59 buwan upang maprotektahan laban sa tigdas at rubella. Pinangunahan ni Health Secretary Ted Herbosa ang rollout sa General Santos City, na siyang hudyat ng pagsisimula ng Phase 1 ng nationwide...

14 sa 421 ‘ghost’ flood control projects kumpirmadong wala talaga

0

MANILA, Philippines - Sinabi ng Department of Justice (DOJ) nitong Lunes, 14 lamang sa 421 flood control projects na unang itinuring na “ghost projects” ang nakumpirmang wala talaga. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa umano’y irregularidad sa mga flood control projects, sinabi ni acting Justice Secretary Fredderick Vida na may kasong isinampa na sa Sandiganbayan...