OCD nagtatag ng emergency task group para sa ASEAN 2026

0

MANILA, Philippines - Inilunsad ng Office of Civil Defense (OCD) noong Enero 16 ang isang emergency response task group upang tiyakin ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng ASEAN Summit at kaugnay na pagpupulong sa Pilipinas ngayong taon. Sa seremonya sa Camp Aguinaldo, Quezon City, ipinakita ang kahandaan, koordinasyon, at kakayahan ng Joint Task Group on Emergency Preparedness and Response...

Tiangco: Isyu sa flood control, command responsibility ni Romualdez

0

Sinabi ni Navotas lone district Representative Toby Tiangco na may command responsibility si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng mga di-umano’y insertion sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na iniuugnay kay dating Ako-Bicol Party-list Representative Zaldy Co.Binigyang-diin ni Tiangco na wala siyang pinapanigan sa isyu at gusto lamang niyang ilahad ang mga...

DOH: Kaso ng tigdas, rubella tumaas ng 32%

0

MANILA, Philippines - Tumaas ng 32 porsiyento ang kaso ng measles (tigdas) at rubella sa bansa sa nakalipas na isang taon, ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na may 5,159 kaso na naitala mula Enero 1, 2025 hanggang Enero 3, 2026, mas mataas kumpara sa 3,901 kaso noong 2024. “Alam po ba ninyo...

Bulkang Mayon lalong naliligalig

0

MANILA, Philippines - Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes, Enero 16, ang pagtaas ng seismic energy at pinakamataas na sulfur dioxide (SO₂) emission sa Bulkang Mayon, na maaaring magpahiwatig ng karagdagang aktibidad ng pagputok. Sa advisory na inilabas alas-7:30 ng gabi, sinabi ng Phivolcs na may malaking pagtaas sa real-time seismic amplitude na naitala ng...

2 Chinese nat’l arestado, biktima nasagip sa kidnapping sa Pasay

0

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga tauhan ng Sub-Sation 1 ng Pasay City police ang dalawang Chinese national habang nasagip naman ang isang Mexican/Chinese national sa ikinasang rescue operation Biyernes ng umaga, Enero 16. Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang mga nadakip na suspek na sina Jiaxiang Xu, 38, at Zhiyong Zu, 34, kapwa Chinese...

Pagdinig sa kaso ni Quiboloy, nagpatuloy

0

MANILA, Philippines - Nagpatuloy noong Biyernes sa Pasig City court ang pagdinig sa kasong human trafficking laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy, matapos tapusin ng depensa ang cross-examination sa isang testigo ng prosekusyon. Dumalo si Quiboloy sa pagdinig. Tinapos ng depensa ang pagkuwestiyon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III, dating hepe ng Philippine National Police...

Dizon: Pagkumpuni sa Maharlika highway kailangan ng “full plan” bago simulan

0

MANILA, Philippines - Iniutos ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pansamantalang pagpapatigil ng lahat ng procurement-related activities para sa pagkukumpuni ng Maharlika Highway, habang hinihintay ang pagbuo at paglalabas ng isang kumpletong rehabilitation plan. Sinabi ito ni Dizon noong Biyernes matapos niyang inspeksyunin ang bahagi ng Lopez Viaduct sa Quezon province at mga kalsada...

P245.42-M jackpot sa Ultra lotto 6/58, mailap sa mananaya

0

MANILA, Philippines - Walang nanalo sa jackpot prizes ng Ultra Lotto 6/58 at MegaLotto 6/45 sa draw noong Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Sa Ultra Lotto 6/58, ang lumabas na winning combination ay 17-05-35-15-19-37 para sa jackpot na ₱245.42 milyon, ngunit walang tumama sa lahat ng anim na numero. Samantala, sa MegaLotto 6/45, ang winning numbers...

Lahar flow sa bulkang Kanlaon ibinabala sa hagupit ni Ada

0

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Phivolcs at mga lokal na disaster authorities na ang Tropical Storm Ada ay maaaring magdadala ng pag-baha at mapanganib na lahar flows mula Mt. Kanlaon sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao. Ayon kay Phivolcs volcanologist Mari-Andylene Quintia, ang matinding ulan mula kay Ada ay maaaring magpalipat ng malalaking bato at graba mula sa nakaraang...

Mga baril ni Atong Ang, puwedeng isuko sa PNP

0

MANILA, Philippines - Ayon sa Philippine National Police–Firearms and Explosives Office (PNP-FEO), maaaring isuko ng kampo ni gaming tycoon Charlie “Atong” Ang ang kanyang mga baril sa pulisya matapos bawiin ang kanyang firearms licenses. Si Ang ay patuloy na tinutugis at may kinakaharap na mga kasong kidnapping kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero. Sinabi ni PNP-FEO Chief Brig. Gen. Jose Manalad...