Iregularidad sa SHS voucher program, aaksyunan ng DepEd
MANILA, Philippines - Maghahain ang Department of Education (DepEd) ng humigit-kumulang isang dosenang kaso kaugnay ng mga “ghost students” sa Senior High School Voucher Program matapos matukoy ng Commission on Audit (COA) ang mga iregularidad mula 2022 hanggang 2024. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, may pitong kasong pending na at may labindalawa pang kaso na malapit nang ihain. “Nag-file kami...
Enero 9, special non-working day sa Maynila – Malakanyang
MANILA, Philippines - Idineklara ng Malakanyang ang araw ng Biyernes, Enero 9, 2026, bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila upang masiguro ang maayos na pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno. Sa ilalim ng Proclamation No. 1126, nilagdaan araw ng Lunes, Enero 6, sinabi ng Malakanyang na milyong mga deboto ang inaasahan na daragsa sa Quiapo Church at...
729 pamilya sa paligid ng Mayon, ililikas
ALBAY, Philippines - Aabot sa 729 pamilya o 2,889 indibidwal na nasa loob ng anim na kilometrong permanent danger zone ng Bulkang Mayon ang ililikas, ayon sa Office of Civil Defense sa Bicol (OCD-5) nitong Martes. Sinabi ni OCD-5 Director Claudio Yucot na nag-deploy na ang Albay Public Safety Emergency and Management Office (APSEMO) ng mga trak ng Army upang...
PBBM, ‘di makikialam sa pagtutulak na i-impeach si VP Sara – Malakanyang
MANILA, Philippines - Hindi makikialam si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa anumang pagkilos o hakbang na sampahan ng impeachment complaint si Vice President Sara Duterte. Ang katuwiran ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang paghahain ng impeachment complaint ng anumang grupo ay wala sa mandato ng Pangulo. “Ang...
ALAMIN: Mga paalala, ipinagbabawal sa Traslacion 2026
MANILA, Philippines - Isasagawa sa Biyernes, Enero 9, 2026 ang Traslacion upang gunitain ang paglilipat ng imahe ng Poong Jesus Nazareno mula Intramuros patungo sa Quiapo Church. Kaugnay nito, naglabas ng mahahalagang paalala ang Manila Police District (MPD) at Philippine Red Cross para sa kaligtasan ng mga deboto. Ayon sa MPD, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala o pagsusuot ng mga sumusunod...
Malakanyang, handa sa hamon ng SC vs 2026 nat’l budget
MANILA, Philippines - Nakahanda ang Malakanyang na harapin ang mga petisyon na ihahain sa Korte Suprema na kukuwestiyunin ang 'constitutionality' ng 2026 national budget. Nauna nang sinabi ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City 2nd District Rep. Egay Erice na magpepetisyon siya sa Korte Suprema upang kuwestiyunin ang ‘unprogrammed appropriations’ sa pinirmahang 2026 national budget ni Pangulong Ferdinand...
4 arestado sa pagpupuslit ng illegal na sigarilyo sa checkpoint
ISABELA, Philippines - Apat (4) na katao ang naaresto ng kapulisan matapos masabat sa isang anti-criminality checkpoint ang kanilang dalang mga kahon ng hinihinalang iligal na sigarilyo sa Brgy. Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela. Ang pagkakaaresto ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng San Mateo Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Unit-Isabela Police Provincial Office (PIU-IPPO), at 2nd Isabela Provincial...
Malakanyang sa pagpapakulong ng mga dawit sa flood control mess: Marami pang mangyayari, magaganap
MANILA, Philippines - Hindi pa tapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaya't marami pang bagay ang asahan na mangyayari sa imbestigasyon ng malawakang flood control anomaly. "Hindi pa po natatapos ang termino ng Pangulo, marami pa po ang mangyayari at magaganap," ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. Tugon ito ng Malakanyang sa...
2 komunistang tricycle driver sumuko sa mga parak sa Bulacan
BULACAN, Philippines - Boluntaryong sumuko ang dalawang dating miyembro ng komunistang grupo sa 2nd PMFC Headquarters sa Brgy. Sampaloc, San Rafael nitong hapon ng Enero 5. Sa ulat ni PMAJ Michael M. Santos, Acting Force Commander, kinilala ang mga sumukong rebelde na sina alyas “Ka Jaguar”, 61 at Ka “Clowie, 46, kapwa tricycle driver ng Brgy. Mapulang Lupa. Ayon sa ulat, ang...
Tulak, live in partner, binatilyo, timbog sa buybust ops sa Caloocan
CALOOCAN CITY, Philippines - Timbog ang tulak ng droga at live in partner into, kasama ang isang binatilyo matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng marijuana sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang mga suspek na si alyas “Ren”, 22, (HVI), delivery rider, kanyang live-in partner na...












