Online drug trade mahigpit na imo-monitor ng PDEA

0

OCCIDENTAL MINDORO, Philippines - Plano ng PDEA Occidental Mindoro na palakasin ang cyber monitoring at financial tracking dahil naobserbahan nilang ginagamit ng mga drug personalities ang social media at e-wallet services tulad ng GCash sa kanilang transaksyon. Ayon kay PDEA Provincial Director Jeremy Junio, mas mahirap na ngayon tuklasin ang street-level drug trade kaya nagiging laganap ang online deals gamit...

Ilang e-trike, e-bike huli sa Metro Manila — LTO

0

MANILA, Philippines - Nahuli ng Land Transportation Office (LTO) ang ilang e-trike drivers sa Metro Manila matapos dumaan sa kalsadang ipinagbawal sa electric tricycles at e-bikes simula Enero 2. Kasama sa bawal na ruta ang Roxas Boulevard, EDSA, C5 Road, at Quirino Avenue, at pinag-aaralan ng LTO na palawakin pa ang listahan. Sa unang dalawang araw ng implementasyon, halos 200 driver...

Pag-ban ng e-trikes, e-bikes sa lansangan, inalmahan

0

MANILA, Philippines - Sinabi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na ang istriktong pagpapatupad at panghuhuli para sa ban ng mga e-trikes at e-bikes sa mga piling lansangan ng Metro Manila ay hindi makabubuti para sa ekonomiya ng bansa lalo pa't ang mga gumagamit nito ay ang pangkaraniwang masa o mahihirap. Ayon kay Atty. Ariel Inton ng LCSP...

Taas-pasahod sa Northern Mindanao, ‘di sapat — labor group

0

MANILA, Philippines - Binatikos ng labor group na Federation of Free Workers (FFW) ang P39 na daily minimum wage hike para sa private sector workers sa Northern Mindanao ngayong 2026, na mas mababa pa kaysa sa P50 na taas sa Metro Manila noong nakaraang taon. Ayon sa FFW, “remains inadequate amid rising prices and the persistent gap between wages and...

“Mallification” ng Baguio public market, ‘di na tuloy

0

BAGUIO CITY, Philippines - Inihayag ni Mayor Benjamin Magalong noong Sabado na umatras ang SM Prime Holdings sa kanilang planong public-private partnership (PPP) para sa P4.5-bilyong multilevel facility na papalit sa century-old na public market ng Baguio. Plano ng SM na magtayo ng apat na palapag na gusali para sa 4,000 vendors, pati na rin ng mas maliit na retail...

P6.79-T 2026 national budget, opisyal na tinintahan ni PBBM

0

MANILA, Philippines - Opisyal at pormal nang tinintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes, ang P6.79-trillion national budget for 2026 ng Piliinas at bineto ang ilang items na nakalagay sa ilalim ng unprogrammed appropriations (UA). Habang ang mga proyekto sa ilalim ng UA ay itinuturing na “standby” dahil maaari lamang silang maisakatuparan kung “revenue collection exceed targets and...

“Synchronized” online propaganda ibinabala ng gobyerno

0

MANILA, Philippines - Nagbabala ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) laban sa tinaguriang “deliberate” at “synchronized” na social media propaganda ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at kaalyadong grupo. Ayon kay NTF-Elcac Executive Director Ernesto Torres Jr., maraming interlinked na social media pages ang nagpo-post ng parehong mensahe, slogan, hashtag,...

Corrections academy, itatayo ng gobyerno sa Tanay, Rizal

0

MANILA, Philippines - Asahan nang itatayo ng gobyerno ang Corrections Academy sa gitna ng target na maIangat ang training standards na kahalintulad sa ibang mga bansa. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Bureau of Correctiona Director Gregorio Catapang na itatayo nila ang paaralan sa isang 270 ektrayang lupain na pag- aari ng BUCOR sa Tanay, Rizal. Kailangan na aniyang maiangat ang...

Abogado, ipaba-blotter ni Castro

0

MANILA, Philippines - Nakatakdang magpa-blotter si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kaugnay ng aniya'y pagbabanta sa kanya ng isang DDS lawyer. Sa katunayan, sa vlog ni Castro, sinabi nitong maliban sa pagbabanta ay minura pa siya ng hindi muna pinangalanang abogado na DDS na idinaan nito sa social media. Ang pagbabanta ani Castro ay ginawa ng sabihin umano ng abogado...

NoKor nagpakawala ng missile kasabay ng state visit ng SoKor sa China

0

KOREA - Nagpakawala ng ballistic missiles ang North Korea noong Linggo, sa parehong araw na nagsimula ang state visit ng Pangulo ng South Korea na si Lee Jae Myung sa China, kaalyado ng Pyongyang, at ilang oras lang matapos ang pag-atake ng US sa Venezuela. Ayon sa South Korea, kasama sa agenda ng pagbisita ni Lee ang usapin ng kapayapaan...