ICC magpapasya sa kapalaran ni Prosecutor Karim Khan

0

THE HAGUE, Netherlands — Magpupulong ngayong Biyernes, Hulyo 24, 2026 ang 125 miyembrong bansa ng International Criminal Court (ICC) upang pagbotohan kung aalisin sa puwesto si ICC Prosecutor Karim Khan, na kasalukuyang suspendido dahil sa mga alegasyon ng sexual assault laban sa isang miyembro ng kanyang staff. Si Khan, 56, ay pansamantalang umatras sa kanyang tungkulin noong Mayo 2025 habang...

Facebook Live, nakatulong sa pag-rescue ng 240 residente sa Sarangani

0

SARANGANI, Philippines — Nakatulong ang isang Facebook Live ng concerned citizen upang agad na makaresponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbaha sa Maasim, Sarangani, at mailigtas ang humigit-kumulang 240 residente mula sa 60 pamilya habang patuloy na nagpapalakas ng habagat ang Tropical Storm Kiyapo. Ayon sa PCG, nakita at napatunayan nila ang sitwasyon sa pamamagitan ng livestream bago agad...

AI-ready data center sa Angeles City, binisita ni PBBM

0

MANILA, Philippines - Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pinakamalaking data center ng fiber broadband provider Converge ICT Solutions sa Angeles City, Pampanga, isang artificial intelligence o AI-ready facility na dinisenyo para suportahan ang lumalaking demand para sa content at cloud services. Kasama ng Pangulo si Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda, ininspeksyon ang pasilidad, kung saan...

Napoles, dating opisyal ng DAR nahatulang guilty sa P50M malversation

0

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Sandiganbayan Sixth Division na guilty sina negosyanteng Janet Lim Napoles at dating Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary Jerry Pacturan sa 10 bilang ng malversation of public funds through falsification of public documents kaugnay ng mahigit ₱50 milyong halaga ng umano'y pekeng proyekto para sa mga magsasaka sa Luzon. Nahatulan din si Napoles ng 10...

Korapsyon, pangunahing isyung nais marinig sa SONA – sarbey

0

MANILA, Philippines — Tatlong araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lumabas sa survey ng Pulse Asia na korapsyon ang pangunahing isyung nais marinig ng mga Pilipino. Ayon sa survey, 29.8 porsiyento ng mga respondent ang gustong talakayin ng Pangulo ang korapsyon. Sa bilang na ito, 18.9 porsiyento ang nais marinig ang imbestigasyon...

Bulacan naghahanda sa posibleng kakulangan ng tubig

0

BULACAN, Philippines — Naghahanda na ang mga lokal na pamahalaan at mga opisyal sa pamamahala ng tubig sa Bulacan dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng Angat Dam, ilang buwan bago ang inaasahang paglala ng Super El Niño. Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), maaaring bumaba sa 149 metro ang lebel ng Angat Dam bago matapos ang...

Ilang byaheng pandagat, kanselado kay Kiyapo

0

MANILA, Philippines — Kinansela ang ilang biyahe ng barko sa Bohol, Masbate, Eastern Leyte at Samar nitong Biyernes, Hulyo 24, dahil sa maalon na karagatan dulot ng Tropical Storm Kiyapo, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA). Kabilang sa mga nakanselang biyahe ang: --Bohol: Super Shuttle Ferry 28 (Jagna–Balbagon) at Sunriser 2 (Getafe–Cordova) --Masbate: Lahat ng fast craft ng Montenegro Shipping Lines mula...

Rider utas sa sagasa ng getaway vehicle ng mga magnanakaw ng kable sa Makati

0

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang motorcycle rider matapos banggain ng getaway truck na sinasakyan ng 10 hinihinalang magnanakaw ng underground copper cables habang hinahabol ng pulisya mula Makati City hanggang Maynila noong Miyerkules, Hulyo 22. Ayon sa Makati City Police Station, nahuli umano ang grupo habang nagnanakaw ng mga kable sa Magallanes, Makati City, matapos silang isumbong ng isang...

Hotline vs isnaberong taxi, binuksan sa Baguio

0

MANILA, Philippines - Hinimok ng pamahalaang lungsod ng Baguio ang mga pasahero na isumbong sa 911 hotline o Baguio In My Pocket application ang mga taxi driver na tumatangging magsakay o namimili ng pasahero. Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, mahalagang iulat ang mga lumalabag na driver upang makapagsagawa ng imbestigasyon at kaukulang aksiyon ang mga awtoridad. “We need to...

Bigtime oil price hike nakaumang sa sunod na linggo

0

MANILA, Philippines - Muling posibleng harapin ng mga motorista ang malaking taas-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo, kung saan maaaring madagdagan ng hanggang P6.50 kada litro ang diesel at hanggang P6 kada litro ang gasolina. Batay sa apat na araw na average ng Mean of Platts Singapore at foreign exchange rates, tinatayang tataas ng P6 hanggang P6.50 kada litro...