Patakaran sa pagpo-post ng mga nahuhuling motorista, rerepasuhin ng MMDA
MANILA, Philippines - Rerepasuhin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang patakaran nito sa pagpo-post sa social media ng mga operasyon laban sa mga lumalabag sa batas-trapiko at road safety. Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, wala siyang nakikitang mali sa pagpo-post ng mga nahuhuling motorista, ngunit kailangan nilang tiyakin kung may nalalabag na Data Privacy Act o iba pang...
Marcos, Wong nagkasundo sa pagpapalalim ng pagtutulungan ng Pinas, Singapore sa AI, kalakalan, pamumuhunan
SINGAPORE, Singapore - Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Singapore Prime Minister Lawrence Wong na mas palalimin pa ang pagtutulungan sa larangan ng kalakalan, artificial intelligence (AI), investments, pangangalagang pangkalusugan at social development habang hangad ng dalawang bansa na palawakin ang economic ties at tugunan ang umuusbong na oportunidad sa digital economy. Kasunod ng kanilang pagpupulong sa Istana sa...
Brawner nanawagan ng katapatan sa Konstitusyon, chain of command
MANILA, Philippines - Nanawagan ang magreretirong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. sa lahat ng opisyal at tauhan ng National Capital Region Command (NCRCOM) na manatiling tapat sa Konstitusyon at sa chain of command. Ginawa ni Brawner ang panawagan sa kanyang farewell visit sa NCRCOM sa Camp Aguinaldo, Quezon City noong Miyerkules. Pinuri niya ang mga...
AFP, PNP deployment para sa Sept. 14 BARMM polls, inaprubahan ni PBBM
MANILA, Philippines - Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahilingan ng Commission on Elections (Comelec) na mag-deputize ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies para tumulong na i-secure ang first regular parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre 14. Sa ilalim ng Memorandum...
Nars sa Japan arestado sa paglalagay ng dumi sa IV line ng pasyente
TOKYO, Japan - Isang 51-anyos na nars ang inaresto ng pulisya malapit sa Tokyo matapos umanong patayin ang isang 75-anyos na pasyente sa pamamagitan ng paglalagay ng dumi sa intravenous (IV) line nito. Kinilala ang suspek na si Miyuki Furukawa, empleyado ng isang ospital sa Chiba Prefecture. Itinanggi niya ang paratang kaugnay ng pagkamatay ng pasyenteng si Eiji Aita. Ayon sa...
Tulfo: Requirements para sa mga ambulant vendor, gawing mas simple
MANILA, Philippines - Nanawagan si Senador Erwin Tulfo na gawing mas simple ang mga requirements para sa mga ambulant vendor, dahil nahihirapan umano silang legal na makapagnegosyo kahit nakatanggap na ng livelihood assistance mula sa pamahalaan. Ayon kay Tulfo, nagbibigay ng puhunan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI), ngunit nahaharap pa...
Truck driver arestado sa pagbebenta ng delivery boxes
MANILA, Philippines - Isang truck driver ang naaresto sa Quezon City matapos umanong ibenta sa isang junk shop ang libu-libong karton na ipinagkatiwala sa kanya para ihatid. Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa alyas na "Michael," 42, na inaresto ng mga operatiba ng Talipapa Police Station (PS 3) noong Hulyo 13. Nahaharap siya sa kasong qualified...
NBI bumuo ng task force sa pag-imbestiga ng New Clark City sports complex
MANILA, Philippines - Bumuo ang National Bureau of Investigation (NBI) ng isang task force upang imbestigahan ang umano'y mga iregularidad sa pagtatayo ng ₱10-bilyong sports complex sa New Clark City, Tarlac na ginamit sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games. Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, walang kinalaman ang pulitika sa imbestigasyon at ito ay batay sa mga bagong impormasyon at...
Higit P1.4M tobats nasamsam sa Batangas
BATANGAS, Philippines - Isang umano'y malakihang tulak ng droga ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Batangas City madaling-araw ng Huwebes, Hulyo 16. Ayon sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), naaresto ang 32-anyos na suspek na kinilala lamang sa alyas na "Ragem" bandang 12:25 a.m. sa Barangay Sta. Clara matapos umanong magbenta ng P1,000 halaga ng shabu sa isang undercover...
Panukalang MIND Act, tinalakay sa Senado
Pinangunahan ni Senator Risa Hontiveros ang pinagsamang pagdinig ng mga komite ng Senado sa Economic Affairs, Public Works, at Finance nitong Huwebes, kung saan tinalakay ang mga panukalang batas na naglalayong itatag ang iminumungkahing Master Plan on Infrastructure and National Development (MIND) Act. Dumalo rin sa pagdinig si Senator Joseph Victor "JV" Ejercito, isa sa mga...












