SB19, Ben&Ben, Skusta Clee atbp, pinagsama ng OPM Con Generations sa Big Dome!

0

Manila, Philippines - Sa harap ng nag-uumapaw na manonood sa Big Dome, muling itinampok ng Puregold OPM Con Generations 2026 ang pinakamalaki at pinakamasiglang pagdiriwang ng Original Pilipino Music (OPM), tampok ang ilan sa pinakamahuhusay at pinakasikat na pangalan sa industriya ng musika sa bansa. Idinaos kamakailan sa Smart Araneta Coliseum, muling pinabilib ng OPM Con ang mga tagasuporta’t manonood...

Pasok sa Malabon National High School sinuspinde sa banta ng pagpatay

0

MANILA, Philippines - KAAGAD iniutos ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang pagsuspinde sa pang-hapong klase sa Malabon National High School, kasunod ng natanggap na pagbabanta sa pamamagitan ng social media hinggil sa umano’y magaganap na pagpatay sa mga estudyante sa naturang paaralan. Sa kalatas na inilabas mula sa tanggapan ni Mayor Jeannie Sandoval, pinayagan na nilang umuwi ang mga mag-aaral...

3 tiklo sa P500K shabu, baril sa Calabarzon

0

MANILA, Philippines – Tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Batangas, Cavite at Laguna, kung saan nasamsam ang halos P500,000 halaga ng hinihinalang shabu at dalawang hindi lisensiyadong baril. Ayon sa Police Regional Office 4A (Calabarzon), isinagawa ang mga operasyon noong Martes at Miyerkules. Sa Batangas City, naaresto ang suspek na gumagamit ng...

P600K iligal na copper ores nasabat sa Agusan del Norte

0

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga awtoridad ang nasa 2,000 sako ng hinihinalang illegal na naminang copper ores na nagkakahalaga ng P600,000 sa Tubay, Agusan del Norte. Ayon kay Brig. Gen. Marcial Mariano Magistrado IV, Police Regional Office-Region 13 (PRO-13) director, ikinasa ang joint anti-illegal mining operation kasunod ng impormasyon mula sa concerned individuals. Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad sa...

F1KD cash grants ng DSWD sa kwalipikadong benepisyaryo ng 4Ps gumulong na

0

MANILA, Philippines - Gumulong na ang expanded First 1,000 Days (F1KD) cash grant package ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagpapalaki ng buwanang benepisyo sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula P350 patungong P750. Sa enhanced grant, na ipinatupad sa ilalim ng Memorandum Circular No. 10, Series of 2026, ipinatupad ito noong Hulyo...

Killer, timbog sa shabu

0

ALICIA, Isabela - Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang wanted person sa kasong pagpatay o murder matapos mahulihan ng pinaniwalaang shabu sa isinagawang warrant of arrest ng pulisya sa Purok 1, Brgy. Rizaluna, Alicia, Isabela. Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na tugusin ang mga nagkasala sa batas...

Hidden wealth ni VP Sara, pwedeng ilantad ng impeachment court – Diokno

0

MANILA, Philippines - May kapangyarihan ang impeachment court alinsunod sa itinakda ng 1987 Constitution na alamin ang lahat ng tagong-yaman ni Vice President Sara Duterte na hindi ideneklara sa Statement of Assets and Liabilities and Network (SALN), ayon kay House Prosecutor Akbayan Rep. Chel Diokno. Sa kanyang opening statement sa pagbubukas ng ika-anim na impeachment trial ni Duterte, sinabi ni...