Sea-level disturbance advisory sa Balut Island quake, binawi ng PHIVOLCS
MANILA, Philippines - Binawi na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang rekomendasyon nito kaugnay ng posibleng minor sea-level disturbances matapos ang magnitude 6.3 na lindol sa karagatan malapit sa Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental. Inilabas ang abiso dakong alas-12:10 ng madaling araw nitong Hulyo 15 para sa Sarangani, Davao Occidental at General Santos City matapos ang...
3 miyembro ng pamilya, tigok sa kuryente sa N. Vizcaya
NUEVA VIZCAYA - Nasawi ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos makuryente sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Luis, Solano, Nueva Vizcaya, nitong Linggo, Hulyo 12. Kinilala ng pulisya ang mga biktima bilang isang 36-anyos na barangay tanod, kanyang asawa, at kanilang anak. Batay sa paunang imbestigasyon, nagsasampay ng mga damit ang ama nang dumikit ang sampayan sa yero...
US, muling umatake at nagpatupad ng naval blockade vs Iran
WASHINGTON - Muling nagsagawa ng pag-atake ang United States laban sa Iran sa ikaapat na sunod na araw nitong Martes at ibinalik ang naval blockade na nagbabawal sa mga barkong pumasok o lumabas sa mga pantalan ng bansa. Ayon sa US Central Command, target ng pinakahuling mga pag-atake ang kakayahan ng Iran na ginagamit sa pag-atake sa mga commercial vessel...
Pastor arestado sa 12 bilang ng statutory rape sa Pasig
MANILA, Philippines - Inaresto sa Pasig City ang isang 39-anyos na pastor dahil sa 12 bilang ng statutory rape na umano’y ginawa niya sa isang menor de edad na miyembro ng music ministry ng kanilang simbahan. Ayon sa Pasig City Police, nagaganap umano ang pang-aabuso sa loob ng simbahan tuwing Sabado matapos ang ensayo ng choir. “Itong biktima na ito, member...
Abogada, paralegal arestado sa umano’y P1-M extortion sa kliyente
MANILA, Philippines - Inaresto ng National Bureau of Investigation ang isang abogada at kanyang paralegal sa Taguig City dahil sa umano’y tangkang pangingikil ng P1 milyon mula sa magkapatid nilang kliyente gamit ang banta mula sa sinasabing mga sindikato. Naaresto ang dalawa nitong Biyernes sa entrapment operation ng NBI Organized and Transnational Crimes Division matapos magsampa ng robbery-extortion at cybercrime...
Namatay na Gr. 4 matapos deworming, tatalupan ng NBI
MANILA, Philippines - Magsasagawa ang National Bureau of Investigation ng autopsy at imbestigasyon sa pagkamatay ng walong taong gulang na Grade 4 pupil sa Cavite matapos ang routine deworming activity sa kanyang paaralan, ayon kay NBI Director Melvin Matibag nitong Martes. Humingi ng tulong sa NBI Homicide Division nitong Lunes ang mga magulang ng bata na sina Leo at Rutchie...
Panelo, suportado anti-ICC campaign ng Trump admin
MANILA, Philippines - Sinuportahan ni dating presidential spokesperson Salvador Panelo ang kampanya ng Trump administration laban sa International Criminal Court, na inakusahan niyang lumalabag sa soberanya ng mga bansang hindi miyembro nito, kabilang ang Pilipinas. Inilarawan ni Panelo bilang “long in coming” ang whole-of-government campaign ng United States upang pigilan ang mga operasyon ng ICC. "The Trump administration's launching of a...
Kampo ni Estrada, tutol na alisin si Bonoan sa graft case
MANILA, Philippines - Tinutulan ng kampo ni Senator Jinggoy Estrada ang hakbang ng prosekusyon na alisin bilang akusado si former Public Works Secretary Manuel Bonoan sa kasong graft kaugnay ng umano’y flood control kickback scheme. Sa pagdinig nitong Martes sa Sandiganbayan Second Division, sinabi ng anti-graft court na naghain ang mga abogado ni Estrada ng pagtutol sa mosyon ng Office...
GLoan tumulong sa abogada sa Iloilo na pondohan bar review
MANILA, Philippines - Nakatulong ang accessible digital lending kay Atty. Sheila Gomez ng Iloilo upang mapondohan ang kanyang bar examination review at maabot ang pangarap na maging abogado, tampok sa ikaanim na installment ng **GCash Stories: Kasama Mo Mangarap** sa Taguig City noong Hulyo 14, 2026. Bilang nag-iisang breadwinner ng pamilya, umutang si Gomez ng P24,000 sa GLoan upang tustusan...
Las Piñas City Council, nagkaisang suportahan panukalang Safe Schools and Child Protection Ordinance
Nagkaisang nagpahayag ng suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Las Piñas sa panukalang Las Piñas City Safe Schools and Child Protection Ordinance of 2026, isang komprehensibong hakbang na naglalayong palakasin ang kaligtasan, proteksyon at kapakanan ng mga mag-aaral sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod. Ang panukala ay inihain ni Education Committee Chairperson Councilor Alelee Aguilar...












