Live-in partner, person of interest sa pagpatay sa US marine biologist

0

MANILA, Philippines — Itinuturing na person of interest ang live-in partner ng pinaslang na American marine biologist na si Dr. Kent Carpenter, ayon sa Negros Oriental Police nitong Miyerkules. Binaril at napatay noong Linggo ng gabi ang 73-anyos na si Carpenter ng tatlong hindi pa nakikilalang armadong lalaki na sapilitang pumasok sa kanyang bahay sa Barangay Ajong, Sibulan, Negros Oriental. Ayon...

4 CICL, naibalik sa pamilya at paaralan matapos ilang buwang interbensyon sa Maynila

0

MANILA, Philippines - NAIBALIK na sa kanilang mga pamilya at muling nakapag-aral ang apat na binatilyong Children in Conflict with the Law (CICL) matapos matagumpay na makumpleto ang intervention program ng Manila Department of Social Welfare (MDSW). Ayon kay MDSW Chief Jay Reyes Dela Fuente, ang apat na kabataan na pawang nasa edad 14 at 15 anyos ay nasangkot sa...

Motor taxi rider patay sa saksak ng angkas sa Caloocan

0

MANILA, Philippines — Patay ang isang 46-anyos na motorcycle taxi rider matapos siyang pagsasaksakin ng kanyang angkas at tangayin ang kanyang motorsiklo sa Barangay 20, Caloocan City noong Martes ng madaling araw, Hulyo 14. Sa CCTV footage pasado alas-1:30 ng madaling araw, makikita ang pagbaba ng suspek mula sa motorsiklo sa Talangka Alley, Kaunlaran Village bago bumunot ng ice pick...

Marcoleta ililipat na sa Payatas jail — Sandiganbayan

0

MANILA, Philippines — Iniutos ng Sandiganbayan Third Division nitong Miyerkules ang paglilipat kay Sen. Rodante Marcoleta sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas matapos sabihin ng mga doktor na wala siyang kondisyong medikal na nangangailangan ng patuloy na pagkakaospital. Ipinaalam ni Philippine General Hospital director Dr. Gerardo sa anti-graft court na hindi na kailangang manatiling naka-confine si Marcoleta. Nauna...

3 arestado, P14.9M ismagel na yosi nasabat sa Lanao del Norte, Zamboanga del Sur

0

ZAMBOANGA CITY — Tatlong katao, kabilang ang isang 16-anyos na lalaki, ang inaresto habang halos P14.9 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa magkahiwalay na operasyon sa Lanao del Norte at Zamboanga del Sur noong Lunes ng hapon. Ayon kay Lanao del Norte Police director Col. Leo Sua, inaresto sa isang checkpoint sa Barangay Libertad, Kolambugan sina alias Ab,...

China binalaan Europe sa pagsuporta sa South China Sea ruling

0

BEIJING — Hinimok ng China noong Martes ang mga bansang Europeo na itigil ang pagsuporta sa arbitral ruling kaugnay ng South China Sea, kasabay ng babala na maaaring maapektuhan nito ang relasyon at kooperasyon ng China at European Union. “Europe is not a party to the South China Sea issue and has no right to comment on China's legitimate territorial...

Resort sa Zambo binatikos sa pagkitil sa mga asong gala

0

MANILA, Philippines - Umani ng batikos ang isang resort sa Zamboanga City matapos kumalat ang video ng umano’y pagpatay ng isang empleyado nito sa asong gala. Ayon sa nag-upload ng video na si Ann Heneral, nakarinig sila ng kakaibang ingay mula sa mga aso bago umalingawngaw ang dalawang magkasunod na putok. Makikita sa video ang isang lalaki na hinihila gamit...

Endangered PH crocodiles, mga pugad natagpuan sa Isabela

0

ISABELA - Natagpuan kamakailan ang ilang critically endangered Philippine crocodiles at kanilang mga pugad malapit sa isang lawa sa San Mariano, Isabela, dahilan upang isulong ng mga awtoridad ang pagdeklara sa lugar bilang critical habitat. Sa isinagawang site validation at monitoring, kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources, katuwang ang Biodiversity Management Bureau, ang presensya ng dalawang pugad na...

Cum laude grad na pupunta sa review class, patay sa bumagsak na sanga

0

BUCAY, Abra - Halos abot na ang pangarap para maibsan ang kahirapan ngunit nasawi ang isang 21-anyos na cum laude graduate nang mabagsakan ng malaking sanga ng puno ang sinasakyan niyang motorsiklo na minamaneho ng kanyang ama, sa Barangay Siblong, Bucay, Abra. Puno ng paghihinayang ang mga pamilya't kamag-anak at kaibigan ng biktimang si Winche Baño, na nagtapos sa kursong...

Cum laude patay sa bumagsak na puno sa Abra

0

MANILA, Philippines - Patay ang isang 21-anyos na cum laude graduate matapos mabagsakan ng malaking sanga ng puno ang sinasakyan nilang motorsiklo ng kanyang ama sa Barangay Siblong, Bucay, Abra noong Martes, Hulyo 7. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Winche Baño, nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in Science sa University of Abra-Lagangilang Campus. Papunta sana siya...