July 12 idineklara sa Baguio City bilang West Philippine Sea Awareness Day
MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang isang resolusyon ng City Council na nagdedeklara sa Hulyo 12 ng bawat taon bilang West Philippine Sea (WPS) Awareness Day sa lungsod bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan na palawakin ang kamalayan ng publiko sa karapatan ng Pilipinas sa karagatan. Ayon sa Baguio City Public Information Office (PIO), nakasaad...
681 pasahero sa mga pantalan apektado sa Bagyong Inday
MANILA, Philippines - Apektado na ang nasa 681 indibidwal sa ibat-ibang pantalan dahil sa bagyong Inday. Ayon sa pinakahuling tala at monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), kabilang sa mga stranded ang mga pasahero, truck driver at helper. Aabot rin sa 206 rolling cargoes, 12 vessels at 33 motorbancas ang naitalang stranded mula sa 57 apektadong pantalan. Ilan sa mga pantalan na...
4 Chinese, isang Pinoy arestado sa underground gawaan ng yosi
MANILA, Philippines - Arestado ang limang lalaki, kinabibilangan ng apat na Chinese national, matapos salakayin ng mga tauhan ng Nueva Ecija Police Provincial Office ang isang nakakubling warehouse na gawaan ng mga iligal na sigarilyo sa Barangay Villa Joson, Carranglan, Nueva Ecija kahapon ng umaga. Ayon kay Nueva Ecija Police director, P/Col. Ritchie R. Claravall, nakatanggap sila ng report hinggil...
Skills Passport security pinalakas ng TESDA sa bagong identity verification
MANILA, Philippines - Ipinakilala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang bagong electronic Know-Your-Customer (eKYC) feature sa TESDA Skills Passport nito, at nagdaragdag ng matibay na identity verification measures upang maprotektahan ang mga jobseekers at mag-aaral na gumagamit ng digital platform. Ang bagong eKYC feature ay nagbibigay-daan sa mga user na iberipika muna ang kanilang pagkakakilanlan sa pamamagitan...
Robin sakop ng sub-judice rule; bawal magpahayag sa merito ng kaso vs VP Sara – spox
MANILA, Philippines - Mahigpit na ipinagbabawal ng Senate Impeachment Rules na magsalita hinggil sa alinmang merito ng kaso laban kay Vice President Sara Duterte na ibig sabihin na magbigay ng anumang opinion o saloobin sa proseso ng paglilitis. Ganito ang Pakahulugan ni Atty. Regie Tongol sa Rule 18 ng Senate Impeachment Rules nang tanungin kung sakop si Senator-judge Robin Padilla...
Impeachment Court nakahinga sa pagbasura sa mosyon ni Jinggoy na dumalo sa trial – Lacson
MANILA, Philippines - Mistulang nakahinga ang impeachment court sa desisyon ng Sandiganbayan na ibasura ang mosyon ni Senador Jinggoy Estrada na dumalo sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte na simulan noong nakaraang linggo. Sa pahayag, sinabi ni Senator-judge Panfilo Lacson na maaaring makaiwas ang naturang desisyon sa impeachment court sa posibleng panghihimasok sa isang prosesong panghukuman. Binanggit ni Lacson ang...
Pumping station sa Pagadian ninakawan, 5K residente nawalan ng tubig
MANILA, Philippines - Pinasok ng mga magnanakaw ang pumping station ng Pamana Water Corporation sa Pagadian City, at ninakaw ang mga electrical wiring at iba pang kagamitan na nakaapekto sa operasyon ng naturang istasyon. Nagdulot din ng pagkawala ng suplay ng tubig ang pagnanakaw sa limang barangay sa lungsod. Kabilang sa mga apektadong barangay ay ang Dao, Bulatok, Manga, Lenienza, San...
Higit 70 baboy sa Baguio nagpositibo sa ASF
MANILA, Philippines - Nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang mahigit 70 baboy sa Barangay Tuding, sa Itogon, Benguet. Dahil dito ay sinimulan ng mga awtoridad ang “depopulation” operations at pagkontrol sa galaw ng mga buhay na baboy at pork products sa mga border. Sinabi ni Municipal Veterinarian Dr. Franklin P. Balanban na sakop ng culling ang mga baboy na pagmamay-ari...
4 estudyante naospital sa hinihinalang chemical leak sa Leyte
MANILA, Philippines - Naospital ang apat na Grade 12 students ng Baybay City Senior High School nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 9, matapos makaranas ng respiratory at skin irritation, pagsusuka at ang iba ay nahimatay pa, kasunod ng exposure sa hindi pa tukoy na kemikal sa loob ng paaralan. Nangyari ang insidente alas-2 ng hapon sa Room 18 ng Baybay...












